LilRon x Yayoi – Paano

Walang inaaksayang oras sa tuwing tayo’y magkasama

Yakap magdamag sa kama sa pag ibig ay sagana

Atin lamang ang mundo walang pake sa kanila

At di iintindihin ang sasabihin ng iba

Ikaw ang laging katuwang sa bawat paghakbang ko

Sa pangarap at pagmamahal mo nang walang hanggan

Ikaw lang ang bukod tanging nagtitiwala sakin

At ikaw din ang palaging umuunawa satin

Kung tutuusin nga’y wala na’kong mahihiling

Basta’t ang talang tulad mo saking gabi ay maningning

Ngunit sa isang kamalian mundo ko ay nagdilim

Unti unti mo na binago sakin ang ‘yong pagtingin

Wala na rin yung mga dating matamis nating lambingan

Kung alam mo lang sana na ikaw ang tanging kailangan

Nag iisang sandingan ko na nabuo ng araw ko

Kaya paano ko malilimot ang isang kagaya mo

Paano na yung mga plano mga pangarap nating binuo nasan na ba?

Paano na ba yung tayo, paano na kung ako nalang mag isa

Hindi na ba mabibigyan ng pagkakataong maayos pa

Hindi ka na bumalik paano na yung tayong dalawa

Paano ako kung wala ka na

Wala na bang natitirang pag ibig para sakin

Solusyon nga bang tapusin  mo na ang relasyon natin

Wala na yung dating ikaw unti unti ng naligaw

Palayo sa aking puso at hindi na matanaw

Ikaw ang dahilan kung bat’ narating ko ang langit

Mga pangyayaring di na yata muling mauulit

At sa bawat sana ay pilit ako na kumakapit

Alaala mo di maalis sa puso nakaukit

Kaya naman ngayon di ko na kayang mag isa

Hanggang ngayon ay umaasang muling makasama ka

Sabay tayong nangarap para sa kinabukasan

Ngunit narating natin ang dulo ng walang hangganan

Ng tayo’y magkalayo at di magkadaupalang palad

Sa lahat ng pagkukulang ko eto na ba ang bayad

Wala na ngayong ikaw sa tayo tila tinangay ng alon

Alaala ng kahapon nalang ang siyang laging baon

Paano na yung mga plano mga pangarap nating binuo nasan na ba?

Paano na ba yung tayo, paano na kung ako nalang mag isa

Hindi na ba mabibigyan ng pagkakataong maayos pa

Hindi ka na bumalik paano na yung tayong dalawa

Paano ako kung wala ka na

Biglang napapatulala kapag naiisip kita

Alam kong mali ko sana pala hindi ko nalang hinayaan ka

Kung una palang sana nandyan ako para mapigilan ka

Hindi ko pala kayang  mag isa

Kung eto na yung dulo paano pa magsisimula, mag uumpisa

Noong nawala yung tayo doon ko palang nadama ang iyong halaga

Alam ko na hindi ko na maibabalik pa sa dati ang mga nakaraan

Hindi pala talaga masaya kung wala ka nasanay na lagi kang nandiyan

More on LilRon