Lance Busa, KIKX – Sa Aking Mundo


‘Di na lang sana, ayos lang naman mag-isa

Paulit-ulit lang nagmumukang tanga

‘Di na rin tayo bata para pagsabihan pa

Ilang ulit pa ba? mangangako, huli na

Sarado nang pintuan, ayaw ko ng magbukas pa

Muli pang pagbigyan

 

Dito sa aking mundo, hindi mo na ako masasaktang muli

Dito sa sarili kong mundo, hindi na nga ako ang maiiwan sa huli

Kaya mananatili dito sa aking panaginip

At mundo… mundo…

 

Kailan ka ba magtatanda? Puso ba’y kay rupok pa?

Iwasan ang paglapit-lapit pa

Dito sa iyong mundo ay mas ligtas ka

Pag-ibig para ngang mantsya

Pagkumapit parang ‘di mabubura

Mahirap na magkasanayan pa

Mabuti nang mag-isa wala ng sisihin pa

 

Dito sa aking mundo, hindi mo na ako masasaktang muli

Dito sa sarili kong mundo, hindi na nga ako ang maiiwan sa huli

Kaya mananatili dito sa aking panaginip

At mundo… mundo…

Mundo… mundo…


More on KIKX