Kyle Raphael – Pa’no Kung


Dumating na pala tayo
Sa dulo ng ating magpakailanman
Hindi ko masabi kung sa’n ba nagkulang
Ba’t ka lumisan, ba’t mo ’ko iniwan

Na nalulunod na sa rami ng tanong
Na hindi ko pa nasasagutan

Pa’no kung hindi kita makalimutan
Ito ba’y kasalanan
At pa’no kung hindi mo na kayanang iwanan ang tayo
Ewan ko, malay ko

Kay tagal mo nang nang-iwan pero hindi ka pa rin umaalis
Sa aking isipan na ikaw lang ang laman
Bakit ba hindi kita maalis

Kasi nalulunod na ako sa rami ng tanong
Na hindi ko pa nasasagutan

Pa’no kung hindi kita makalimutan
Ito ba’y kasalanan
At pa’no kung hindi mo na kayanang iwanan ang tayo
Ewan ko, malay ko

Dinarasal ika’y makasama kahit sandali
Pero paalam na’t hanggang sa muli

At pa’no kung hindi kita makalimutan
Ito ba’y kasalanan
At pa’no kung hindi mo na kayanang iwanan ang tayo

Pa’no kung hindi kita kayang iwanan
Ito na’y kasalanan
Pa’no kung hindi ka niya aalagaan
Irog ko, paalam na, mag-ingat ka


More on Kyle Raphael