Krisostomo – 2K (feat. Khael Domaro)


Hook (krisostomo)
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway
Magpatuloy ka dapat sa iyong paglikha

Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway

V1: (krisostomo)
Hayaan na ilatag ang mga salita,
Bunbunan napatag at tila ba napisa
ng kaalaman na pilit na kinakabisa
Sa sarili to nawili nagpakabihasa

Kinulang sa tasa, natutong kumasa
Sa hamon nilang iba na sa awa lang pumasa
Sinong nagdala, sarili kong mag-isa
Maigi na binalasa mga baraha sa
aking buhay tumatak
Ilang ulit may nabaling pakpak
Patuloy lang na pinapapak
Kilong palpak nilamutak
at tinulak ko sa utak ko pilit sinalpak

Karunungan sinibak, inihain sa hapag
Sa dami ng isinulat kamay nawalan ng libag
Wala naman na nilabag bakit may pumapalag
Sa larangan na pinasok ito ang aking ambag

Teka teka teka repa sinong umeentra
Ikaw na pala yung tumatawa sa eksena
Mahina ba bigayan kaya di na bumebenta
Baka katapusan mo na sabik sayo a trenta
Sinong walang kwenta daming pinoproblema
Subukan mong ayusin ang sarili mong sistema
Bago mo punahin ang nilatag nila sa mesa
Isipin mong maiging may kanya kanyang panlasa

Pera pera nalang talagang pantawid
Wala ng kinalaman ang storya na hatid
Lamang ang malaman di mo kayang mapatid
Wala ng palamang kaalaman sayo ang beat

Lamat ang iniwan kaya di lumawak
Kalat iginatong kaya di paawat
Dapat pero hindi nga karapatdapat
Puro lamang paninipat di kayang lumapat

Hook: (krisostomo)
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway
Magpatuloy ka dapat sa iyong paglikha
Tangi ko na payo manatili ka
‘Di nila alam kung sa’n nag-umpisa
Hamon mo sa buhay maubusan man ng laway

V2: (Khael Domaro)
Matagal ko ng itinaya ang sarili ko sa laro para lang makapanalo
Nung nangyare ang daming nag sabing kumusta? Kahit hindi pumusta gusto makabalato
Sakin di sila nakikinig date! Kaya kanta ko’y kinakanta ko lang sa banyo
Ngayon kahit nasa malayo o sa kabilang ibayo lagi mong maririnig “Ako lang to” sa kanto
Di mo pwedeng husgahan alam ko na di mo alam anong pinag hirapan ko
Sinasabi nila sakin na tigilan ko
Mga bagay na gusto’t kinahiligan ko
Kaso nga lang Malabo na mapigilan to
Pantasya ko kahit na inirapan mo noon,
Ngayon pumabor na sakin ang mga pangarap pangako sayo na iingatan ko
Di ako katulad ng anak ni manny pac!
May talento at mayaman madali lang inaangat
Makata ka mang mahirap wag mong ikahihiya
Sa baba din nang gagaling tunay na mabibigat
Salat sa salapi man aking magulang pangarap ko’y di apektado
Bagkus lagi pa kong nagpapasalamat walang tigil ang suporta sa anak nyo na talentado
Kesa mag reklamo
Ginalingan nalang sa bawat kataga
Hanggang lahat ay napasabi na ay napasabi ba mahusay talaga ko
Panaginip totohanin kunin ng walang kaba
At wag mong ipamumuka may halaga
Ako ikaw pati walang pinag kakaiba
Lika sama sama magkaron ng pag kakaisa
Harapin ang salamin at alamin kung sino ka
Khaeldomaro nga pala makata sa industria


More on Khael Domaro