Kris Delano – BACK2BACK (feat. Zargon, Waiian, Classiclove, Gra The Great, Mike Kosa, Quad T & Astro)


Disyisyeteng taon na sa game
Since 2002 nakung bumubuga ng flame
Malapit nako sa dalawang dekada
Pumapalo parin na mala texas sa tupada
Tagalog to na kala mo alak na alfonso
Hiphop na ako panahon pa ni ildefonso
Datiy pangalan koy sing liit ng mungo
Ngayon naririnig nako saan mang sulok ng mundo
Maangas daw kase wala ko sa pinas
O wala ako dyan kaya kayo nag aangas
Sapaw sila kaya sila binabanas
Sa pag pasok ng dragon binago ko ang palabas
Ang mga letrang sintalas ng lanseta
Akoy kontrabidang bida mala vegetta
Habang tumatagal ang dami ng ingit
Kung d nyo kaya angas ko aanhin nyo ang inyong lupet

Ang dami ko ng iniisip
Subukan mong pumasok dito at sumilip
Di ka pwedeng sumabay sa alon kung hindi ka sumisisid
Mahirap magyabang boy, nag iiba ang ihip
Wala kong ganong oras para sa mga nanghihila pababa, alam niyo na
Kung ikaw nasa pwesto ko ngayon hindi ka uubra
Kung puro hate at galit ang mauuna
Kaya pare ano na?
Hanggang saan ba yang plano mo?
Hanggang biyernes lang ba yan o baka hanggang sabado?
Wag mo ibabase pakinabang sa pagtrato mo
Ang boring maglakbay pag wala ka ng kasama bro
Pag wala ka ng kasama bro
Subukan mong sarili lang ang iyong higitan
Kung wala padin bilib, pare ewan ko nalang

Nambibigla ang pagkakataon dapat mahuli mo
Likers nalang ang dateng mga bully ko
Tagumpay ay makita ang sarili ko nakasakay sa unicorn
Walang sagabal nagaaral na walang uniform
Tibok ng puso hiphop, mahalin ang newborn
Kung bastusan, dun nalang sa youporn
Pamana naman nang dickies at ben davies niyong suot nuon
Pero kung yung pants remembrance from the past, keep it
Respect meron din ako non
Tska hindi naman aircon, ang sagot sa init ng panahon
Alam ko mainet hinawakan ko pa din, walang mangyayare kung wala kang gagawin
Tumingen tanawin ang salamin basta nanjan lang wag mo nako tanungen
Blessings papunta ingat pauwi

Naconvert ko na sa piso ang aking bawat letra
Bida kontrabida na ang dati lang na extra
Aking bawat plano ay mabusising tinarya
Kaya bawat hakbangin ay masusing nagmarka
Dekada ang binilang ko
Sa liriko nabilanggo nuon pa may laging bangko
Sanayan lang sa pagtungo
Yung walang apir laging singit sa upo
Umaasa balang araw aking silid mapuno
Pero ngayon nagbago umikot na ang roleta
Pinapatugtog nako dun sa club hanggang bangketa
Pangita ng pruweba na kame bumenta mula gitnang eskwela umapoy na sa eksena
Watchlist ng hiphopan ayun dito natokhang
High value target na ko at most wanted sa daan
Kung kontra ka timang mga hater na hibang uulitin ko nalang classiclove nambubuang

Ipinagpaliban ang mga nakasanayan
Mas lalo pang nag-init imbis ako’y panghinaan
Lalo pang hinusayan, Mas lalo pang ginanahan
Sarili ko lang aking pinaka naging kalaban
Pinagkamalang baliw, dahil iba mag-isip
Sa iba’y naging aliw, bilang lang ang bumilib
Di naman siguro kasalanang maging despera
Sapat nang maging mahirap para to’y mainspira
Marami na akong pwedeng idahilan
Siguro ay higit kumulang sa isang daan
Pero mas pinili ko paring hanapin yung isa
Isang rason ng bagong paraan
Walang Safe alam mo na kanino
Pilipinong may mentalidad ng tsino
Laking kalye na may diskarteng marino
Young King alam mo na naman sino

Sinisiksik Ang mga Bara sa mga Pulbura ng Bala
Pag labas Tagos sa Tenga mo at mga Antipara
Sa lapad ng mukhang Sin titibay nitong Kirara
Kahit Gumamet ng panulat di maisulat Sa pisara
Mga Bagong Salta, Akala mo umasta
Pwetan nyo na dun sa sulok at makasta
Ako ang boses ni Mayores ditong taga tusta
Pang walong bilang palang to kala mo tapos na
Gung gong Mala Daniel iskultor to pag umuka
Madali kang Makapitan Kung May sintomas ng hika
Sa klase ng skemang ginamet ay bibihira
Mo ng marineg Sa katayuang musikang Inaalila
Lagyan ng mabisang Anghang Ang Bagong Recipe
Para Pag kinain Sarap Parang Pamutat
Ang daming Umaacting dyan like freddie Mercury
Character ang kayabangang hindi maawat

Kadalasan na hinihiram di na bumabalik
Nilamon ng katamaran sinamantala ang bait
Lumalagpas na parang hangin nalang dating kadikit
Kita mo katotohanan kahit pa nakapikit
Inakalang kalayaam yun pala naka piit
Hinayaang kasalanan syang nag duloy ng sakit
Pinapaya kasintaham kahit pa na masakit
Nakapulot ng aral sa pang yayaring mapait
Mga gumugulong tanong patuloy na bumubulong
Di nakadalo tugon tila ba naka kulong
Sobrang init mga hirit kala mo nasa pugon
Dugo’t pawis ang puhunan ng tagisan pasulong
Ebedensya mistulang piluka
Walang kunsensya halang ang bituka
May ilang inosenteng nag dusa
Tyak na may lihim ang unang nag duda
Pag ka gahaman sa salapi kadalasan ay di maganda sanhi
Ilang daanan na tinahi malasahan lamang ang kiliti

Ang layo na ng narating, kung dati pampalipas lang
Ganito pala kapag kumita, sarap magbilang
Galing sa wala kaya alam pano to tantyahin
Kung makupad ka, baka mahawa, yokong lagnatin
Taon na ang ginugol, tumaya, para lang magtagal
Maaga kang mawawala kung ika’y kupal kupal
Sikreto sa laro, magtanim at makisama
Tska kalang kikilos pag alam mong may tambak kana
Sakit ng karamihan, mamuna kapag nasasapawan
Pinakilala ang sarili dahil sa kababawan
Di ka ganyan mag isip kung madami kang ginagawa
Gayahin moko, bumilib, di nanghila pababa
Inakay ko yung naghatid, tinuloy ko lang yung turo niya
Kesa mapatid, pinagdugtong kaya umokay pa
Gustong wasakan, pagbibigyan basta may offer ka
Galingan mo lang baka matulad kadin sa iba
Biro lang boii


More on ASTRO