Kiyo – Dantay (feat. YZKK)

Pinilit umakit ng suwerte, palaisipan pinalawak
Pinakiusapan ang hangin, pinaamo ang pinakamatapang
Pinapalayo ang aking balwarte hanggang maligaw, sige, abante
Hindi lumingon, dinala ko pa din ang bigat kasi ako lang
Ang aking tapat na kakampi, wala nang iba, walang katabi
Magaling lang sila pagdukot sa bulsa mo na puno ng salapi
Lumaking lahat hindi nabigay, ngayon ay handa na ako, ba’t hindi?
Madilim man ang langit, malungkot man ang ulap, nakangiti

At ‘kung akala kong mababaw ay hindi ko lang tanaw
Nalubog na ‘ko sa putik bago ko pa madamang
Wala na ‘tong balikan kaya diretso lang at baka
May masalubong na sasalba sa tulad kong mangmang

Sige, halika dito’t kausapin mo ako nang harap-harapan
Para atin nang malaman kung ano’ng paraan
Kapag tahimik ko, ang ingay mo, laging sunod ang ‘yong gusto
Hanggang kalian ba tayo gan’to? Sinusubukan ko naman
Kaya kapag mahirap ‘pag gipit at pag gabi ‘la ‘kung malapitan
Yakap aking unan, yakap aking unan
Daan hindi makita mahabang pila
Madalang na ang pagbisita mo, ano ang pagkukulang?

Unawain mga bagay na binato sa ‘kin
Mga bagay na hirap kuhain, mga gulo na aking kasapi at
Ayoko lang naman sa oras ay nagtatagal
Hindi rin mabilis baka ika’y mataranta
Paulit-ulit lang ang kulay sa ating buhay
Pag-ibig ang naghari, siyang magpapatunay
Napalapit, napalayo, pinagkait, napasa ‘yo, napasabi ng
Pakisabi na, “sinusubukan ko naman”
Pakisabi na, “sinusubukan ko naman”
Pakisabi na, ugh, pakisabi na, “sinusubukan ko naman”
Ano ba’ng gusto ko? (Gusto ko)

May mga naghihintay, kita-kita na lang do’n
Kung ikaw ay mainip, ‘di pa tamang panahon
Punan mo ng enerhiya, positibo na ganap
Gawin mo nang mayro’ng puso kahit dulo’y ‘di tanaw
Dahil ano’ng silbi ng buhay kung ‘di ka gagalaw
Kung hindi mo gagamitin utak mong nasasabaw
‘Wag mo nang intindihin kapag hindi mo na saklaw
‘Pag hindi mo na saklaw, ‘pag hindi mo na saklaw

At ‘yung akala kong mababaw ay hindi ko lang tanaw

More on Kiyo