Khaeden Golez – Pinagtagpo, Pero…


Naaalala ko pa
Noong una tayong nagkita
Masyado pang maaga
Masyado pa tayong mga bata

Ilang taong na ang nakalipas
Marami ng pusong nasaktan
Pero bakit? Ba’t pinipilit
Ng mundo’y sayo ako’y babalik?

Chorus
Pinaglaruan ba ng tadhana
Ang puso kong nagiisa
O bakit ba palaging nananabik
Ng makita kang muli
Bakit ba? Bakit ba? Bakit ba
Pinaglalaruan ng tadhana?

Kung maibabalik ba
Babaguhin ba ng nakaraan
Aabot ba tayo hanggang dulo
O tuluyan bang hindi ako sa iyo

Ilang taong na ang nakalipas
Marami ng pusong naiwan
Pero bakit? Ba’t pinipilit
Ng mundo’y sayo ako’y babalik?

Alam ko nakikita mo ako
At nakikita rin kita
Pinipiling kalimutin di pinapansin
Sigaw ng aking damdamin


More on Khaeden Golez