Kevin Hermosada – Sandali Lang Naman


Ang iyong mukhang
Napakalambing
Mga ngiting kasing tumbas ng labing anim
Mga matang kasing galing ng lawin,
Mga kamay na patpatin
Pero magaling.
Hindi malilimutan ang iyong mga biro,
Ala alay itatabi na parang ginto.
Sandali lang naman,
Baka puede mahagkan
Sandali lang naman
Kahit saglit man lang
Kung pag bibigyan ng panahon
Aakapin ka ng mahigpit
Kung pag bibigyan ng panahon
Iaalay ko ang pagkakataon.
Teka lang sabihin ko kaya sakanya,
Kung puede lang hwag ka muna nyang isalba,
Baka naman puedeng pareho lang ang yong uuwian.
Sandali lang naman
Sandali lang naman
Sandali lang man
Sandali lang naman
Ngayong nandyan ka na,
Kami na ang bahala.
Matulog kang mahimbing,
Sa dulo’y mag kikita rin.


More on Kevin Hermosada