Kamol, Tyrone & Joshua Mari – Huling Sandali


Alam mo ba mahal yung huling gabing kayakap pa kita

Pinaparamdam sa iyo lahat at hindi  ko hinayaan pang maaksaya

Yung oras na hiniling ko sayo kaya salamat mahal ko

Dahil pinagbigyan mo ko na makausap ka kahit sandali

Para masabi ko sayo lahat ng nagawa kong pagkakamali

Alam kong di na pwedeng ibalik

Ang pagmamahalan natin kaya niyakap kitang mahigpit

At sabay halik sayong noo, patawarin mo ‘ko mahal ko

Kung nagkulang man sayo

Alam kong di na pwedeng ibalik ang dating tayo

Dahil wala ka ng feelings at pagod na rin ang puso mo

 

Kaya ito na ang huling mensahe ko sayo

Kaya sana maging masaya ka na sa bago mo

Ingatan kanya at wag kang paluluhain

Mahalin kanya katulad ng pagmamahalan natin

 

Masakit man para sakin na makita ko kayo

Pero wala akong magagawa kung meron ng kayo

Dahil sya na ang bumuo at kumumpleto ng mga pagkukulang ko

Na hindi ko sayo nabigay dahil ang gusto mo sa kanya mo na natataglay

 

Kaya ang kamay mo sa akin ay kumawala na

Masakit man para sakin ang mga naiwan nating alaala

Pero wag kang mag alala mahal makakaya ko rin mag isa

 

Salamat sa huling sandali

Makita ka at mahagkan muli

Kahit kailan hindi kita kayang makalimutan

Ngunit ang puso mo’y sa iba nilaan,kaya tatanggapin ko na lang

 

Bakit ganun anong mali ba at rason para makita

Mo ngayon ito’y mali na at mahina na sa twina

Ang pundasyon nitong relasyon at ituloy ‘to ay kahangalan

Kaya kahit na mahirap ay para sayo ay handa kita pakawalan

 

Ano! Okay na bang hayaan kita na humakbang habang papalayo

Nasasaktan man aking dama, ito pinipilit makatayo

Basta para sayo paparaya ako

Kahit pa dama mo na wala na ako at wala na sayo ang nadarama ko

Pero nasasayo ang pagmamahal ko

Kasalanan ba ‘to? kung ika’y papalayain

Hahayaan kong  mawala ka sa akin

Kahit pa salin saking damdamin mga pasanin di kakayanin

Tulad ng ika’y makita ko na nakangiti sa tabi ng iba

 

Masaktan ako ay mali na di ba?

Ayos lang basta makita kita

Bakit ba ako nasasaktan? kasi di na kita mahahagkan

Grabe naman, bakit hindi ko na kaya

Ang hindi ka pakawalan

Kung ito man ang ating huling sandali

Bago sa hangganan ay mauwi

T’yak luluha ako ng nakangiti kasi di na nga ‘to mauulit muli

 

Salamat sa huling sandali

Makita ka at mahagkan muli

Kahit kailan hindi kita kayang makalimutan

Ngunit ang puso mo’y sa iba nilaan,kaya tatanggapin ko na lang

 

Maaari bang muling mayakap ka

Bago ka man lang mapunta sa kanya

Di ko lubos maisip na may katapusan pala

Ang pag ibig na iningatan natin na kay tagal

 

Baka nga ako’y nagkamali ang pag ibig ko’y hindi naging sapat sayo

Bakit di ko agad napansin na meron na ngang ibang nakasungkit ng puso mo

At ngayon masaya ka na kanya, sana’y ingatan kanya

Ayos lang ako dito lang ako malilimutan din kita

 

Salamat sa huling sandali

Makita ka at mahagkan muli

Kahit kailan hindi kita kayang makalimutan

Ngunit ang puso mo’y sa iba nilaan,kaya tatanggapin ko na lang


More on Joshua Mari