Sevenjc & Tyrone – Kabilang Buhay (RAP VERSION)


Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat

Bakit pa dumating ang oras na ito?
Nabalitaan ko na wala ka na

Hindi ba’t sabi mo hindi mo ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako’y mag-isa
Hindi ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

 

Bumabalik sa nakaraan kung pa’no kita nakilala

Sa panahong una kang ngumiti nang ako ang iyong kasama

Hanggang lumalim ang pagtitinginan hanggang maisip sa bawat umaga

Na parang hindi ko kayang bumangon pag dito sa tabi ko’y nawala ka

 

Para kang ulap sa kalangitan napakaganda mong titigan

Tila bahaghari sa malayuan na pinapangarap kong malapitan

Para kang aral sa kahapon nanatili ka saking isipan

Tinig mo kaysarap na pakinggan, tila ba alon sa dalampasigan

 

Isang gabi kasama kita tila naluluha iyong mata

Nakikiusap ka sakin ikaw ay yakapin

Habang nandito kapa kahit hindi kita maintindihan niyakap kita ng pagmamahal ko

Habang sinasambit mo sa akin na mahal na mahal mo ako!

 

Kinabukasan isang balita Ang dumurog sa aking mundo

Wala ka na daw! Ayoko man na maniwala pero yun ang totoo

Meron kang iniinda na sakit ngayon ko lamang napag alaman

Mas ginusto ginusto mong ilihim saakin Dahil ayaw mo akong masaktan,

Grabe naman!

 

Hindi ba’t sabi mo hindi mo ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako’y mag-isa
Hindi ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Sa kabilang buhay…woah!

Sa kabilang buhay

Sa kabilang buhay

 


More on Sevenjc