Juris – Ika’y Babalik Pa Ba


Nagkamali ako
Nagkamali tayo
Pagmamahal na dapat sa ati’y
Naglaho

Nagmahal ka ng iba
Habang ako’y nandito pa
Pinilit kong tinago
Katotohanang wala ka na

Minsa’y nais nang bumitaw
Pintig ng aking puso
Magmahal na ng iba

Chorus:
Ika’y babalik pa ba
Puso’y nag-iisa
Laging nangungulila

Ngayon ako’y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman
Ika’y babalik pa ba

Naghihintay ako
Sa araw ng pagbabalik mo
Ikaw ay yayakapin
At sasabihing ako’y sa’yo

Ngunit sa’king paghihintay
Bulong ng aking puso
Magmahal na ng iba

Chorus:
Ika’y babalik pa ba
Puso’y nag-iisa
Laging nangungulila

Ngayon ako’y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman
Ika’y babalik pa ba

Chorus:
Ika’y babalik pa ba
Puso’y nag-iisa
Laging nangungulila

Ngayon ako’y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba

Kaya nais kong sabihin
Ikaw ay bumalik na


More on Juris