Julie Anne San Jose – Bahaghari (feat. Gloc 9)

Chorus:

Kahit na gaano pa kadilim ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha malalim man ay humuhupa

Iipunin ang kulay ng kahapon ko para sa bahaghari mo

Bawat oras na lumilipas laging hanap ka

Parang tumakas sa mga rehas upang mayakap ang

Mga alaala natin aking bubuhayin upang makapiling ko

Pangako ay malalim ‘di sukat akalaing tayo;s magkakaganito

Chorus:

Kahit na gaano pa kadilim ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha malalim man ay humuhupa

Iipunin ang kulay ng kahapon ko para sa bahaghari mo

Kahit marami ang pagkakasala yakap-yakap mula sa gabi hanggang sa umaga

Kalayaan natin na tinatamasa kumpara sa mga nasabi na syang nagpapaasa

Bigla nalang may masamang hangin na nagmula sa malayong lupa

Hindi humupa parang gawa sa maliit na bubog at pinong-pino tila hinasa

Kutsilyong tumutusok bakit ang bilis ipasa kung kanino at kahit na sino

Sa gitna ng kadiliman hanapin mo ang anino teka sinong may dala

Sige nga dalhin mo dito kapag meron kang nakita heto hipan mo ang pito

Pero ‘di kaya natin nakakalimutan na wala sa’tin ang kalaban

akayin ang Isa’t-isa pataas hindi pababa huwag mabalisa

May kasama ka hanggang dulo mula sa umpisa

More on Gloc 9