JThree – Love Kita Maniwala Ka


Kay sarap pagmasdan ang mga ngiti mo
Lalo na kung ako’y and dahilan nito
Oras-oras ikaw ang hinahanap ko
Hangad ko lagi ay ang makasama mo

Pinangarap lang kita dati ngayon ay akin ka na
Wala ng nais makuha kundi ang makapiling ka sinta

Ikaw ang pag-ibig na di kayang matumbasan
Dito sa mundo nating ginagalawan
Hindi ko na kakayanin pang lumisan ka
Pagkat wala kang katulad love kita

Maniwala ka ohhh…
Maniwala ka

Sa bawat araw ay ikaw ang nasa isip ko
Kasa-kasama ka hanggang sa panaginip ko
Ikaw ang bukambibig ng mga labi ko
Basta pangako mong di ka na lalayo

Pinangarap lang kita dati ngayon ay akin ka na
Wala ng nais makuha kundi ang makapiling ka sinta

Ikaw ang pag-ibig na di kayang matumbasan
Dito sa mundo nating ginagalawan
Hindi ko na kakayanin pang lumisan ka
Pagkat wala kang katulad love kita

Maniwala ka ohhh…

Sa dinami-rami ng babae dito sa mundo
Tanging sayo lang nahulog ang puso kong ito
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil para sakin ikaw lang sapat na

Ikaw ang pag-ibig na di kayang matumbasan
Dito sa mundo nating ginagalawan
Hindi ko na kakayanin pang lumisan ka
Pagkat wala kang katulad love kita

Maniwala ka


More on JThree