Jr Crown x PSPK & Chin Arce – Mananatili


Kahit madalas na tayong di na magkasundo

Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto

Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang magkalabuan

Tayong dalawa sa simpleng awayan pagka’t ako’y sayo at akin ka lang

 

Grabe napakalupet talaga ni kupido

Nahuli mo ang kiliti ng lalaking istupido

Nagseryoso dahil sayo ang puso kong dating bato

Nakita ko sarili ko sa piling mo, nagtatanong “bakit ako?”

 

Yan ang palaging katanungan

Kalaunang natutunang mahalin ka ng lubusan

Kahit parang nung una sige laro lang ang lahat

Nagkatuluyan hanggang sa mapamahal na ng sagad

 

Sapagkat wala nang pwedeng pumalit pa sayo

Pag ibig na di kayang tumbasan ng kahit ano

Dito sa ating mundo tanging ikaw at ako

Kaya’t wag ka na magtampo ikaw lang ang gusto ko

 

Dahil pag ibig mo’y walang kapalit

At walang kapantay

Oo mag aaway lang pero hindi tayo maghihiwalay

 

Kahit madalas na tayong di na magkasundo

Walang iba ikaw pa rin ang ginusto kaya magtiwala ka lang

Mahal di ko hahayaang magkalabuan

Tayong dalawa sa simpleng awayan pagka’t ako sayo at akin ka lang

 

May kasalanan na naman

Ba’t kong nagawa para tingnan mo ng ganyan?

Lagi namang inuunawa’t pinagbibigyan

May nasasabi pa rin minsan ang sarap mo nang saktan

 

Syempre biro lang boss pag utusan mo pa

Pag ibig ko malaos ay lubos na malabo

Di yan magtatapos kahit halos paubos na ang pasensya

Ikaw lang ang iibigin ko pangako!

 

Pakatandaan mo na sayo lang ako master

Kaugali mo man yung manang dun sa kung fu hustle

Ikaw ang dahilan kaya nasasabihang under

Pero ayos lang ganito magmahal ang body builder

 

Pwede bang wag ng patagalin pa

Pag may away na namamagitan sating dalawa

Palawakin pa ang pag unawa saki’y laging magtiwala

Para sayo ay hahamakin ko kahit tadhana

 

Kahit madalas na tayong di na magkasundo

Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto

Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang magkalabuan

Tayong dalawa sa simpleng awayan pagka’t ako’y sayo at akin ka lang

 

Kahit na anong mangyare pakatandaan

Na wala nang hahanapin pa ikaw lang ang laman

Madalas man na magtalo ay di magiging hadlang

Kahit ano pang maging dahilan wala ng ibang mas lalamang

 

Sapagkat ako ay kontento na

Natuto na mula nung ikaw na ang aking makilala

Mahalin ka ng walang halong pangangamba

Kaya sinta ko pwede sana wag mag alala

 

Dahil ikaw ang naging dahilan kung ba’t nabago

Dahil sayo ako ngayon ay nakasigurado

Muling nabuksan ang puso kong nakakandado

Noon dahil ayokong mapunta sa maling tao

 

Ikaw ang nagbigay kulay ng buhay sa tunay

Na pagmamahal mo na sa akin inialay

Ipinakita mong panghabangbuhay kaagapay

Ka sa bawat laban kaya pangakong di mawawalay

 

Kahit madalas na tayong di na magkasundo

Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto

Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang magkalabuan

Tayong dalawa sa simpleng awayan pagka’t ako’y sayo at akin ka lang

 

Kahit madalas na tayong di na magkasundo

Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto

Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang magkalabuan

Tayong dalawa sa simpleng awayan pagka’t ako’y sayo at akin ka lang


More on Chin Arce