Jr Crown – Tsismosa Song (feat. Thome)

jr crown lyrics

Mag ingat ingat ka nandyan na sila

Baka nakatitig sayo ang mga mata

Bawat kilos mo pag uusapan ka nila

Mga mema sabi lang kahit hindi ka kilala

 

Mga dakilang tsismosa na puro lang boka

Mga usisero at mga usisera hah

Sa buhay ng iba ang hilig mamuna

Pero hindi nya makita sariling muta sa mata

 

Para silang mga bubuyog dito kung mag tipon tipon

At mga bulong bulungan nasa tenga umuugong

Mga usap usapan at balibaling kanto na kaya nilang masagap

Kahit na gano kalayo

 

Di ba grabe ang galing oo dyan sya magaling

Umaga tanghali hapon hanggang sa gabihin

Araw araw nakatambay te di kaba nagsasawa

Lagi kang nakatunganga walang tigil ang bunganga

 

Sa kakachika chika mo ng kung ano ano

Sa kumare mong tsismosa din dyan sa baryo nyo

Walang tilang chikahan mga makakate na dila

Tyak na yare na naman kung sino una nyang makita

 

Ba’t ang dami mong alam dika maubusan ng topic

Dami mong napupuna’t napapansin sayong paligid

Saradong pag iisip matalas na pandinig

Ang katangian ng mga di matahimik na bibig

 

Mag ingat ingat ka nandyan na sila

Baka nakatitig sayo ang mga mata

Bawat kilos mo pag uusapan ka nila

Mga mema sabi lang kahit hindi ka kilala

 

Mga dakilang tsismosa na puro lang boka

Mga usisero at mga usisera hah

Sa buhay ng iba ang hilig mamuna

Pero hindi nya makita sariling muta sa mata

 

Haaay sus nagsama sama na naman

Mga kapitbahay mong laging nakaabang

Araw araw may balita yan na maanghang

Buhay ng ibang tao ay pakikielaman

 

Sa pagtahi ng mga kwento sila’y busy

Dinaig pa yung samahan ni Tito Boy at Krisy

Tawagan ay sissy laging may kwentong chessy

Sa social media nga meron na rin yan silang GC  whhaaat!

 

Magagaling yan manghusga

Kaligayahan na nila ang sya’ ng manira ng iba

Lagi silang namumuna lumilikha ng kwento na

Pag uusapan at paniniwalaan naman nang tanga

 

Chi chi chismosa kung tawagin

Nako napakarami nyan sa amin

Sila yung tipikal na sinungaling

Gagawin lahat basta ikaw mapailalim

 

Mag ingat ingat ka nandyan na sila

Baka nakatitig sayo ang mga mata

Bawat kilos mo pag uusapan ka nila

Mga mema sabi lang kahit hindi ka kilala

 

Mga dakilang tsismosa na puro lang boka

Mga usisero at mga usisera hah

Sa buhay ng iba ang hilig mamuna

Pero hindi nya makita sariling muta sa mata

 

Sila yung mga tipo ng mga  tao na dapat mong iwasan

Kahit na wala ka pa sa showbiz, kayang kang siraan

Di sila nauubusan ng icocomment sayo

Hindi ka nga nila like may gana pang magshare sayo

 

Haaah grabe! talaga gusto sya bidang bida sya

Tulad ng kilala ko na kilalang kilala nya

Daig mo pa imbestigador kung makapag imbestiga ka

Trinabaho mo na ata ang mang husga

 

Puro ka dada, puro naman kwentong barbero

Tsismisan na agad kahit walang sipilsipilyo

Madalas ka pa atang chumika kesa sa maligo

Mga tao na galit na galit sa sariling baho

 

Kesyo ganito ganon kesyo ganito ganyan

Dami daming sinasabi puro lang katuturan

Nakamasid lang sa paligid at laging nakaabang

Sa buhay ng may buhay ang hilig nilang mangealam

 

Mag ingat ingat ka nandyan na sila

Baka nakatitig sayo ang mga mata

Bawat kilos mo pag uusapan ka nila

Mga mema sabi lang kahit hindi ka kilala

 

Mga dakilang tsismosa na puro lang boka

Mga usisero at mga usisera hah

Sa buhay ng iba ang hilig mamuna

Pero hindi nya makita sariling muta sa mata

 

Tsismosa


More on Jr Crown