Jr Crown, Kath, Niero, Soul & Thome – Maghihintay

jr crown lyrics

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Ako’y maghihintay na muling makayakap makasama
Babaeng pinangarap makapiling ko sa t’wina
Huling mamahalin at matatawag na asawa
Panghabang-buhay at sabay gigising sa umaga diba

Napakasarap isipin kung ngayon ay araw-araw kita na kapiling
Bawat sandali pangakong ‘di na mabibitin
Susulitin ang bawat laan na oras para sa’tin ng panahon
Kaya ako’y maghihintay, mag-uugnay, nalulumbay man sa ngayon

Asahan mo kahit ganon ang sitwasyon
Ikaw pa rin at sa iba hindi na lilingon

Kaya mahal magtiwala ka lang
Walang malayo na pagitan ang makakahadlang
Napatunayan na nating hindi yon ang basehan
Kahit na ga’no katagal hindi ka papalitan kaya

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Madalas man dalawin ng kalungkutan
Sinta dahil napakalayo mo sa akin
Pero wag mong isipin na ako’y magsasawang ibigin ka
Kung ‘di man kita kapiling sa ngayon

Palagi mo lang tatandaan na kahit na anong mangyari ay ikaw ang laman
Kayamanan na dapat pagkaingatan ko sa mahabang panahon na ‘di kayang tumbasan

Kahit gaano katagal ako’y nakahandang maghintay sa iyo
Kaya tiwala’y ibigay mo sana sakin
Dahil hanggang sa huli ikaw ay makakaasa
Ang pag-ibig mo ay ‘di ko sasayangin

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo,ako’y maghihintay

Sa ngayon tiis lang muna yon ang dapat gawin
Wag kang masyadong malungkot wag mo na ring damdamin
Darating na rin yung araw muling magkakasabay
Tayong kakain at lalakad din ng hawak kamay

Sa tuwing nalulungkot ka’y titigan mo yung larawan pati na yung alaalang pinabaon
Mga sandaling kasama, katabi kita’t ang oras ‘di natin pansing lumipas sa maghapon

Kaya naman mahal magtiwala ka lang sakin pagkat
Walang malayo pagitan distansya’t agwat
Na pwedeng makapagpabago kung ano ko sayo
Mananatili na ikaw hanggang sa pagbalik mo kaya

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Ako’y maghihintay
Ohhhh …. ako’y maghihintay
Hmmm…. maghihintay

Maghihintay


More on Jr Crown