Joshua Mari, Yamo & Yhanzy – Kilig


Gabi ay lumalamig pero ang init nananatili

Halos di ako mapakali,

Thinking about you

Lalo yung nangyari kagabi

 

Yung malambot na labi na biglang dumampi parang pagod ay napawi

Mga yakap na marahang humigpit nasasabing wag kitang ipagpalit

Yung mga ngiti mo na minsan hindi ko na lang mapigilan na kiligin

Panalangin ko ay binigay ng kapalaran at dumating ng di inaasahan

 

ohhhh woooh kinikilig pa rin pala ako dahil sayo

 

Kinikilig pa rin sayo

Pag ibig nadarama ng puso ko

Panalangin ko na sana ikaw ang tadhana

Babaeng habang buhay kong makakasama

 

Kahit na harangan pa nila

Ipaglalaban kita totoong pag ibig ‘to

Anong magagawa nila

Basta ikaw at ako pang habang buhay ohhh…

 

Kung minsan nga ay para bang hindi ko mapigilan na sayo mapadamang

Sa kada kilos mo’y kinikilig Nahihibang pa rin

Kahit apat na taon na ring magkatuwang

Ang ating mga puso ang iwan ka para sa akin hinding hindi ‘to  mauuso

 

Sa awit man na ‘to sana’y mapadama sayo

Di bale nang baduy basta mapaabot ko lang kahit papaano

Kung ano ka ba sa akin at sasabihin man nilang ako’y wala rin ang

Pag ibig ko naman sayo malalim paglalaban kahit na maraming humadlang

 

Ikaw lang at ikaw ang gustong makasama

Panalangin ko pa sana

Sa susunod na kabanata

Nitong ating buhay ay muli kang makilala

 

Nang di malimot kung papaano sumaya

Nagsimula ito sa akin nung dumating kana

walang pake sa kanila kung magmukhang tanga

Ikaw naman iniibig ko hindi naman sila

 

Ikaw ang dahilan kung bakit ba

Nagpapatuloy pa rin dito kumakapit na

Sa tuwing nandyan kana at papalapit

Di maipaliwanag tumigil ang paligid ohhh

 

Kinikilig pa rin sayo

Pag ibig nadarama ng puso ko

Panalangin ko na sana ikaw ang tadhana

Babaeng habang buhay kong makakasama

 

Kahit na harangan pa nila

Ipaglalaban kita totoong pag ibig ‘to

Anong magagawa nila

Basta ikaw at ako pang habang buhay ohhh…

 

Kinikilig parin ako

Pananabik ko pala’y di naglaho

Sa tagal nating magkasama bilang mag asawa

Nanumbalik sa umpisa

 

Nung una kang makatabi

Halos parang di ako mapakali

Ganon na ganon ngayon lambing pag sinumpong ka

Ng toyo pero ganon pa man

 

Ikaw pa rin yung pangarap na makasama

Makatambalan ko sa hirap man o ginhawa

Kaya sana wag ka nang mawawala pa

Sa mundo ko ohhhh

 

Kinikilig pa rin pala ako hmm…. sayo….

 

Kinikilig pa rin sayo

Pag ibig nadarama ng puso ko

Panalangin ko na sana ikaw ang tadhana

Babaeng habang buhay kong makakasama

 

Kahit na harangan pa nila

Ipaglalaban kita totoong pag ibig ‘to

Anong magagawa nila

Basta ikaw at ako pang habang buhay ohhh…

 

 


More on Joshua Mari