Joshua Mari & Jhay Dee – Paano


Papaano nga ba maaari nga ba na

Makuha na kita sa kanya ng walang nasasaktang

Damdamin ang hirap piliin ng aking sarili

Para maging masaya puso ko ba o magpapaubaya

 

Iniisip ko nung una ay

Tanggap ko na ikaw nga ay

Nakuha nya kahit  na ako ang unang nanligaw sa iyo

Sinabi ko na baka di ako para sayo

 

Pero parang nag iba ang takbo ng hangin

Nadala na naman sa bugso nitong damdamin

Gusto ko na mapa sayo

Kahit pag aari kana ng kaibigan ko

 

Sa panaginip na lang ba kita mahahagkan

Habang kayong dalawa ay may pag ibig na ganyan

 

Papaano nga ba maaari nga ba na

Makuha na kita sa kanya ng walang nasasaktang

Damdamin ang hirap piliin ng aking sarili

Para maging masaya puso ko ba o magpapaubaya

 

Lumipas ang mga araw at lalong lumalalim

Ang pag ka uhaw ko sa iyo at aking nararamdaman

Bagamat nga ngayon nga’y ikaw ay nasa piling nya

Ako’y hibang na balang araw ay makuha ka

 

Pero hindi ako ganon, respeto sa inyo’y nandon

Pagmamahal ko sa iyo balang araw maglalaho yon

At pag dumating na ang panahon na ikaw nga ay aking nalimutan na

Para sa iyo ay ako na ang pinakamasaya

 

Papaano nga ba maaari nga ba na

Makuha na kita sa kanya ng walang nasasaktang

Damdamin ang hirap piliin ng aking sarili

Para maging masaya puso ko ba o magpapaubaya

 

Paano ba sasanayin ang sarili kung wala kana

Paano ba, hindi masaktan na makita kita sa kanya

Hanggang kailan ba ako maghihintay ng pagkakataon

Na ika’y mapasaakin na

 

Wala na’kong ibang hiling kundi ikaw

Tikom lang ang aking bibig pero ikaw ang syang sinisigaw

Tama pa ba na ipilit ang damdamin kong tuluyang masaktan

Pero para sa inyong dalawa ako’y magiging masaya

 

Papaano nga ba maaari nga ba na

Makuha na kita sa kanya ng walang nasasaktang

Damdamin ang hirap piliin ng aking sarili

Para maging masaya puso ko ba o magpapaubaya


More on Jhay Dee