Joshua Mari – Hatid Sundo Kita (feat. Lysa)


Laging iniisip balikan nung tayo’y nagsimula

Inaantay na dumungaw ang iyong magandang mukha

Sa inyong bintana kasabay ng pagsikat ng araw

Panibagong umaga na naman kita na matatanaw

 

“Mano po” ang sabi ko sa iyong magulang

Halika na baka oras mo ay magkulang

Ihahatid sundo kita dito ka lang saking tabi

Masigurado lang ligtas ka hanggang sa iyong pag uwi

 

Hatid sundo kita kahit san magpunta

Asahan mo na di kana muling mag iisa

Umaaraw man o bumagyo lagi akong naririto

Basta’t kumapit ka lamang sa aking kamay ako’y nandito lang

 

Palaging mag iingat ka laging babantayan kita

Magsisilbing payong pag umulan para may masilungan ka

Alagaan ang sarili kapag ako ay wala dahil papakasalan pa kita

 

Ano man ang iyong mga poblema’y

Sumandal ka lamang sa balikat ko

At pag handa nang lutasin ay sasamahan kita

Di sasayangin ang iyong tiwala

 

Hatid sundo kita kahit san magpunta

Asahan mo na di kana muling mag iisa

Umaaraw man o bumagyo lagi akong naririto

Basta’t kumapit ka lamang sa aking kamay ako’y nandito lang

 

Salamat dahil dumating ka

Mundo’y hindi na iikot mag isa

Hindi ka sumuko kahit kailan ‘di  lumayo

Aking pagmamahal ay para lamang sayo

 

At alam kong ‘di mo ko bibitawan

Marami mang hadlang ay hindi iiwanan

Salamat sa hatid lagi ko yang batid

Hayaan mong pag ibig ang aking isukli, ako’y nandito lang

 

Hatid sundo kita kahit san magpunta

Asahan mo na di kana muling mag iisa

Umaaraw man o bumagyo lagi akong naririto

Basta’t kumapit ka lamang sa aking kamay ako’y nandito lang

 

Hatid sundo kita kahit san magpunta

Asahan mo na di kana muling mag iisa

Umaaraw man o bumagyo lagi akong naririto

Basta’t kumapit ka lamang sa aking kamay ako’y nandito lang

 

 


More on Joshua Mari