Joshua Mari & Chrome One – Piliin Mo Naman Ako


Piliin Mo Naman Ako

Joshua Mari & Chrome One

 

 

Hindi mo ba nakikita?

Kung sino ang laging nadyan

Pag ang puso mo’y nasugatan

 

Gustong mapatunayan na ako’y nandito lang

Palaging masasandalan

Mga hinaing ay lagi kong pakikinggan

Magsisilbing  panyo pag nakita kang luhaan

 

Gaya ng taong gusto ko

Na alam kong magagawa ka ring iwanan

Gagamitin ka lang hanggang sa pag sawaan

Para sa akin ay hindi yan nararapat

Kaya pwede bang piliin mo naman ako

Bigyan mo ng isa pang pagkakataon

Papatunayan ko sakit ay ‘di mo na mararanasan

Ako na lang…

 

Piliin mo naman ako,

Pwede ‘ng mapansin ang gaya ko

Na handa ka na ipaglaban

Ika’y iingatan at aalagaan

 

‘Di tulad mo alam kong

Alanganin ang puso mo

Sa bandang huli ay masasaktan ka lang

Piliin mo na lang ako

 

‘Di man magawang aminin

Madalas tulala at sa iyo nakatitig

Na bakit ba naman kasing hindi nakatuon

Puso mo sakin at sa iba ka umiibig

 

Pero sana kahit kunti mapansin mo ang katulad kong

Sabik ka na mapasakin

Handa na’kong usugal ang buong buhay at oras ko

Makamit lang ang babaeng

 

Matagal kong pinangarap

Na alam ko sa sarili ko malabo mong mahanap

Ang gusto ko na ng pag ibig ko sa kanya

Pagkaharap ko ay ibang babae agad ang hinahanap

 

Napasin ko wala ‘ko

Yung gusto mo na pag ibig ay nakahanda nang ibigay ko

Wag mo na nang ipagpilitan ang sarili sa kanya

Gusto ka lang lokohin niya at gawing gago

Dahil ayaw ko nang dumating sa punto na

Ika’y umiiyak habang lumalapit sa akin

Ako naman ay magpapayo na noon ko pa sinabi na

Hindi mo dapat tinuloy ang dumi ng pag ibig mo

 

E di sana kung ako pinili mo

Di na ganyan dapat ang sasapitin mo

Pero bakit ba hanggang ngayon ay di mo pa din

Mapansing gusto kita at hindi yan magbabago

 

Piliin mo naman ako

Ba’t di mapansin ang gaya ko

na handa ka na ipaglaban

Ika’y iingatan at aalagaan

 

‘Di tulad sa tao na ginugusto mo

Alam kong alanganin ang puso mo

Sa bandang huli ay masasaktan ka lang

Piliin mo naman ako

 

Piliin mo naman ako

Ba’t di mapansin ang gaya ko

na handa kana ipaglaban

Ika’y iingatan at aalagaan

 

‘Di tulad sa tao na ginugusto mo

Alam kong alanganin ang puso mo

Sa bandang huli ay masasaktan ka lang

Piliin mo na lang ako

 

Piliin mo naman ako


More on Chrome One