Joshua Mari, BonBlue, JPaul – Nalilito


Nalilito na ako

Di na alam ang gagawin

Tama bang ika’y mahalin

Iwan mo akong mag isa makakaya ko ba

At pa’no ba ako magsisimula

 

Di ko na alam kung sa’n ko ba ‘to sisimulan

Tila ba ang puso ko umiibig na naman

Sa babae na para sakin ay mahalaga

At palagi akong pinapasaya

 

Pero ang isip ko’y nag aalangan na baka

Masaktan na naman ako

Dahil takot na akong maranasan pa ang

Masalimuot na nakaraan

Natatakot lang ako baka mangyari na naman sakin ito

 

Nalilito na ako di alam ang gagawin

Tama bang ika’y mahalin

Pa’no kung iwan mo akong mag isa

Makakaya ko ba at pa’no ba ako magsisimula

 

Nalilito na naman ako, ano ba ‘to?

Ang gulo na ng puso’t isipan ko

Ang daming tanong ito’y animo’y bugtong

Kahit magkasama na’y  di maiwasang mapabulong

 

Na baka kaya mo din gawin yung mga nagagawa

Ng aking nakaraan no ohhh!

 

Pupwede ba yung, yung aking tanong na

Tulad kadin ba ng aking mga nakilala

Kung di naman ay pasensya kana

Kung san mga tinatanong ko’y parang nahusgahan kagad kita

 

Nalilito, kwestyunable lahat kapag kasama kana

Pagkat galak ang nadarama ng puso ko pagmakikita ka

Ngunit sinabi ng aking isipan na mali yung pagkakataon

Na makilala ka

 

Ang sakit na sa ulo

Patawad kong pagpaparamdam ay limitado

Mabuting isipin bago ko pasukin

Ang relasyong hindi ako sigurado

 

Nalilito na ako di alam ang gagawin

Tama bang ika’y mahalin

Pa’no kung iwan mo akong mag isa

Makakaya ko ba at pa’no ba ako magsisimula

 

Nalilito na ako di alam ang gagawin

Tama bang ika’y mahalin

Pa’no kung iwan mo akong mag isa

Makakaya ko ba at pa’no ba ako magsisimula


More on BonBlue