Joshua Mari, Bonblue & Chrome One – Martir


Kahit na nasasaktan na ako
Ay ikaw pa rin naman ang pipiliin ko
Ramdam ko na wala na ang dating pagmamahal
Pero kahit na ganon ay nandirito pa rin ako para sayo

Muli kitang tatanggapin kung ikaw ay nagsawa na sa kanya
Bumalik ka na lang sa akin kung nawawalan ka ng gana
Sa pagmamahal ninyong dalawa at kung hindi kana masaya ay
Nandito lang ako handa kang hintayin

Kahit ga’no katagal na hintayin ka
Maghihintay ako sa pag ibig mo na hindi ko kayang
Malimot pa dahil mahal pa rin kita

Kahit na nasasaktan na ako
Ay ikaw pa rin naman ang pipiliin ko
Ramdam ko na wala na ang dating pagmamahal
Pero kahit na ganon ay nandirito pa rin ako para sayo

Matanong ko lang seryoso ka ba sa lahat ng ito oh
Baka naman bumalik ka lang sa akin kasi alam mo
Kung ga’no ako karupok sa iyo kaya ba gusto mo na balikan ako
At muling ibalik ang sakit na dinulot mo sa’kin na ako lang ang nagbuo

Bakit ba ang sakit mo naman na magmahal
Ayoko ng palaging gan’to yung parang meron laging may nakadagan
Mabigat sa dibdib na di ko matanto sa sarili kung bakit ko pa nagawa na magpakamartir at tanga sa iyo
Kaya pasensya na ha mahina lang at naging marupok sa iyo

Pero dapat hindi mo na ako inabuso kung alam mo na palang hindi mo na pala ako kayang mahalin
Para di na ako umasa na muli pang bumalik ang mga panahon na palagi sayong kinikilig
Ayon pala ako’y mali dahil nga puro kasinungalingan nga mga pinakita mo
Eh ako naman itong tanga naniniwala sa iyo na akala ko naman kasi totoo

Sige tanggap pa kita kung babalik ka pa sa akin at hindi ko yo’n ipagdadamot sa iyo
Bumalik ka na lang sa akin kung alam mo na sawa kana sa kanya at pag ‘di mo na sya kayang mahalin
Okay lang sa akin na gawin mo na panakip butas sa mga nakaraan mo na naging madilim
Kahit na paulit ulit mong gawin ay muli kang tatanggapin ganon kasi kita na kayang mahalin dahil nga ikaw pa rin

Kahit na nasasaktan na ako
Ay ikaw pa rin naman ang pipiliin ko
Ramdam ko na wala na ang dating pagmamahal
Pero kahit na ganon ay nandirito pa rin ako para sayo

Kahit na nasasaktan na ako
Ay ikaw pa rin naman ang pipiliin ko
Ramdam ko na wala na ang dating pagmamahal
Pero kahit na ganon ay nandirito pa rin ako para sayo


More on BonBlue