Joshua Mari – Ang Bilis Mong Sumuko (feat. Still One)


Inakalang tunay ang pag-ibig na pinakita sa ligayang ating dinaanan

Sinabi na di mo ko kayang iwanan

Pero di lang naman puro kaligayan

Ang ating maranasan sa ating pagmamahalan

Tayo’s susubukin din ng tadhana umasa na di mo ako bibitawan

 

At dumating na nga ang aking kinakatakutan

Tayo ay pinaglaruan ng kapalaran

Di ko alam kung ba’t biglang sumuko ka

Di ka man lang nagsabi sakin na sawa ka na

 

Nagmakaawa pa ako para maayos natin

Ang dati natin na masimulan

Pero sa simpleng sagot na ayoko

Napaptanong kung lahat bat ang bilis mong sumuko

 

Di ba ang sabi mo ay hindi mo ko iiwan sa kawalan

Tayo ay bubuo ng pamilya magkaramay sa lahat ng poblema

Ngunit matapos na tayo’y subukin ay bigla ka nalang lumayo

Tinatanong sa aking isipan kung ba’t ang bilis mo lang sumuko ohohoo

 

Isang gabi habang ako ay nasa kasiyahan kasama ang mga kaibigan

Biglang nagkayayaan ng inuman

Ilang minuto lang ang dumaan kakaiba aking naramdaman

Biglang nahilo na at nakatulog ang mga nangyari hindi ko na alam

 

Nagising ako sa isang silid katabi ang iba’t ibang lalaki

At isang eskandalo ang kumalat kung san’ nandoon ako sa pangyayare

Ikaw agad ang aking naalala sana di mo pa napapanood

Mapatawad mo lamang ako aking mahal, nakahanda ako lumuhod

 

Ngunit ng ikaw’y aking pinuntahan, hindi mo na ako pinapansin

Naniwala ka agad sayong mga nakita , di mo man lang tanungin

Kung anong dahilan sa tingin mo? ginusto ko na ako’y gahasain

Ngunit tinabig mo aking kamay at tuluyan kang di naniwala sa akin

Kala ko di ka sakin bibitaw kala ko kasama kitang lalaban

Madali ka lang palang sumuko sa mga maling bagay mong nalaman

Kala ko tayo ang magkatuwang at tatanda tayo ng magkasabay

Ngunit lahat ng yon ay nawala dahil ika’y nakipaghiwalay

 

Di ba ang sabi mo ay hindi mo ko iiwan sa kawalan

Tayo ay bubuo ng pamilya magkaramay sa lahat ng poblema

Ngunit matapos na tayo’y subukin ay bigla ka nalang lumayo

Tinatanong sa aking isipan kung ba’t ang bilis mo lang sumuko ohohoo

 

Di ba ang sabi mo ay hindi mo ko iiwan sa kawalan

Tayo ay bubuo ng pamilya magkaramay sa lahat ng poblema

Di ba ang sabi mo ay hindi mo ko iiwan sa kawalan

Tayo ay bubuo ng pamilya magkaramay sa lahat ng poblema

 

Ngunit matapos na tayo’y subukin ay bigla ka nalang lumayo

Tinatanong sa aking isipan kung ba’t ang bilis mo lang sumuko ohohoo

 

 


More on Joshua Mari