Joshua Feliciano – Walang Label


Pwede bang malaman ko kung ano ang gusto mo
(ano ang gusto mo)
Pwede bang sabihin mo kung ano ang balak mo
(ano ang balak mo)

Matagal-tagal na rin na ganito
Baka pwede bang mag level-up na tayo

Sabihin mo na, ang nararamdaman
Ayoko nang makipag habulan
Sabihin mo na, kung may kulang pa
At ibibigay ko ano mang hiling mo
Magka-label lang tayo

Ilang taon na rin akong nanliligaw sa ‘yo
(nanliligaw sa ‘yo)
Hanggang ngayon ngiti pa rin
Ngiti pa rin ang sinasagot mo
(bakit ngiti ang sagot mo)
(bakit ngiti lang ang natatanggap ko)

Matagal-tagal na rin na ganito
Baka pwede bang mag level-up na tayo

Sabihin mo na, ang nararamdaman
Ayoko nang makipaghabulan
Sabihin mo na, kung may kulang pa
At ibibigay ko ano, anumang hiling mo
Magka-label lang tayo

Wala ngang label pero
(bakit sweet at may kilig)
Wala ngang label pero
(bakit ka nagagalit)
Kapag nagtatanong sila
Kung ano na nga ba tayo talaga

Sabihin mo na, ang nararamdaman
Ayoko nang makipaghabulan
Sabihin mo na, kung may kulang pa
At ibibigay ko ano mang hiling mo
Magka-label lang tayo
Magka-label lang tayo


More on Joshua Feliciano