Joshua Feliciano – Toyo


Nalilito na ‘ko sa ‘yo, heto na naman tayo
Nag-iiba na naman ang kanyang anyo
Nagiging halimaw, aswang o mambabarang
Pero [‘wag ka, ‘wag ka
Mahal na mahal ko ‘yan

Minsan ay hindi man kita naiintindihan
Lahat man ng paalam ay ‘di mo pinapayagan
Ngunit isa lang ang laging kinatatakutan

T-O-Y-O, tinotoyo na naman ang girlfriend ko
Bakit ganito, ano na naman kaya ang kasalanan ko
Lagi mang nagugulo ang utak mo
Sa kakaisip ng ikagagalit mo
Pero ayos lang ikaw pa rin naman ang baby ko

Araw-araw sinusuyo
‘Di pa rin nagtitino
At sasabihing hahayaan na lang kita hanggang sumuko
Ang masakit lang do’n kahit araw-araw kitang suyuin
Araw-araw pa rin naman kung ika’y toyoin

Lagi pa rin naman kitang ‘di maintindihan
Lahat rin ng paalam ‘di pa rin pinapayagan
Kaya hanggang ngayon akin pa ring kinatatakutan

T-O-Y-O, tinotoyo na naman ang girlfriend ko
Bakit ganito ano na naman kaya ang kasalanan ko
Lagi mang nagugulo ang utak mo
Sa kakaisip ng ikagagalit mo
Pero ayos lang ikaw pa rin naman…

Kahit ilang beses mo man akong sinusungitan
At kahit ilang beses pa ang ating mga alitan
Kahit onting-onti na lang lalayas na sa bahay
Ikaw pa rin ang baby kong topakin habangbuhay

T-O-Y-O, tinotoyo na naman ang girlfriend ko
Bakit ganito ano na naman kaya ang kasalanan ko
Lagi mang nagugulo ang utak mo
Sa kakaisip ng ikagagalit mo
Pero ayos lang…
Pero okay lang…
Pero ayos lang ikaw pa rin naman ang baby ko


More on Joshua Feliciano