Josh Cruest – Geo Ong At Ako


Kua Geo gusto ko lang pasalamatan ka sa lahat

Batid ng awitin at mensahe mo ang pagiging alamat

Na matuturing, bagkus isa kang inspirasyon sa amin

Isang makatang may prinsipyo at magandang saloobin

 

Araw araw, palagi lagi akong nakasuporta

Nag aabang ng video mo’t bagong labas mong obra

Marami kasi ako napupulot na aral sayo

At talagang nakikita ko kabutihan ng kalooban mo

 

Ikaw ang dapat na tinutularan namin ng pangkaraniwan

At mga awit mong gawa syang pinapakinggan ng kabataan

Ibang klase ang mga hugot at tagos sa aming damdamin

Mga realidad na nangyayaring tunay sa paligid

 

Huling liham, Bread Winner, Opinyon, Kasalukuyan

Parokyana at Gising at yung Pekeng Kaibigan

Sa kanta mong yan lalo kita na hinangaan

Respetong tunay sa iyo Geo ng Palawan

 

Gusto ko lang naman na maging kagaya mo

Kaya naman ako ay bumuo ng liham para lang sayo

Kuya Geooooooo..Ong

Ikaw ang idol ko wooo, salamat  sa mga mensahe mo

 

Gusto ko balang araw ay maging kagaya mo

Maging simple ang pamumuhay kagaya din ng sayo

Na may pangalan sa industriya pero hindi mayabang

Nanatili kang mababa kahit bundok ang tinahak

 

Marunong kang lumingon sa iyong pinang galingan

Ibahagi sa iba ang angkin mo na kagalingan

Tunay na tao, tunay na kuya kung ika’y ituring

Nakikita ko sayo ang yumao ko na tiyuhin

 

Parehas na responsable at sobrang mapagmahal

Marespeto sa mga magulang at kusang mapagbigay

Pa’no ko ‘to nasasabe? kita ko sa mga vlog mo yan

Ikaw yung tipo na rapper o vlogger o ano pa man

 

Na sasaluduhan ko pag nagkita tayo ng personal

Kasi bihira kang makakita ng gan’tong literal

Kaya, kuya Geo, salamat sa mga mensahe mo

Yung tipo mo ang gusto ko sa industriya na ito!

 

Gusto ko lang naman na maging kagaya mo

Kaya naman ako ay bumuo ng liham para lang sayo

Kuya Geooooooo…Ong

Ikaw ang idol ko wooo, salamat  sa mga mensahe mo

 

Ipagpatuloy mo lang ang mga magandang pinapakita mo

Patuloy mo na bigyan inspirasyon ang mga umiidolo sayo

Hanggang sa makita ng anak mo ang iyong paghihirap

Magbubunga ang itinatanim mo na bu tong mabusilak

 

Na kabutihan, pagbibigay ng aral sa karamihan

Pagbibigay ng respito’t pagmamahal sa karaniwan

At kaya naman ikaw ang iniidolo ko

Kasi balang araw gusto ko rin maging tulad mo

 

Makasama sa awitin na realidad

Yun ang pinapangarap kong maintindihan na collab

Isang mahusay na batang makatang respetado

Lugar niya’y Puerto Princesa, pambato at pandayo

 

So pa’no tol? ingat ingat lang tol, sa pagv-vlog

Sa bawat byahe niyo palagi lang kayo na magdasal

Asahan mo nasa likod mo ko’t sumusubaybay

Hanggang sa marating ang pintuan ng tagumpay

 

Gusto ko lang naman na maging kagaya mo

Kaya naman ako ay bumuo ng liham para lang sayo

Kuya Geooooooo..Ong

Ikaw ang idol ko wooo, salamat  sa mga mensahe mo

 

Gusto ko lang naman na maging kagaya mo

Kaya naman ako ay bumuo ng liham para lang sayo

Kuya Geooooooo..Ong

Ikaw ang idol ko wooo, salamat  sa mga mensahe mo


More on Josh Cruest