Jono Hilario – Unos


Sa kalawaka’y naririnig
Mga daing at pighati
Sanlibuta’y nagluluksa
Mga buhay nawawala

Ang mundo’y naliligalig
Naghahanap ng liwanag
Ito kaya’y isang parusa
Ito kaya’y paalala

Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
‘Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang, sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
ikaw may hawak sa ‘king buhay

Panahon na magkaisa
Huwag mawalan ng pag-asa
Ang buhay ‘di lang materyal
Pag-ibig dapat umiral

Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
‘Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang, sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
Ikaw may hawak sa ‘king buhay

Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos

Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos

Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos


More on Jono Hilario