Jom, Crakky – Araw-araw Ng Puso

crakky:
hanggang ngayon napapatanong ako kung bakit ba sa dami
ng pwede mong mapili ay ako pa rin ang pinaka maswete
parang camera na walang lente kapag kulang ka ay hindi na pwede
basta alam ko lang ay katambal kita at di lang teleserye
kasama ka hanggang sa pagtanda kung dumating mang di na kaya ng paa
nandito lang ako handa kang alalayan, kasi mahal kita
kung makalimot ka ay ayos lang yun sakin
ganun daw talaga kapag tumatanda ay nagiging ulyanin
basta tandaan mo na lagi kong gagawin

jom:
lalambingin ka’t aalagaan
ikaw lang ang tatabihan sa higaan
di na kukupas ang pagmamahal
kaya pagdating sayo handang sumugal
kahit di pilitin ayos lang sakin
kase ikaw ang natatanging bituin
kung mahulog man ay sasagipin
di ko hahayaang mawala ang iyong ningning
ikaw ang pangarap na nasa ulap
na di ko sinukuang abutin

crakky:
handa kong sungkitin ang alay ko sayo
etong pag-ibig kong buo makakasiguradong totoo
ang bukod tangi na pagpapalit ko lang ay apelyido mo

jom:
at sabay nating sisilipin
ang bawat umaga na paparating

crakky:
dahil para sakin ikaw ang the best
di maiinis kung masungit ka ay di na aalis

jom:
sa tabi mo at di magsasawang pangitiin
ohhh wooah…


More on Crakky