Jom, Clien – Tanging Ikaw (feat. Ijiboy & Jr Crown)


Hindi mo na ba kayang magtagal
Ikaw ba’y nahihirapan na
Kaya gumagawa ka na ng paraan para ika’y iwanan na
Palagi mong tinatanong kung bakit andirito
Kahit na sinasabi mong pagod ka na
Umaasa akong nasasabi mo lang ng yan kasi nagagalit ka

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Ikaw ang pinangarap makasama ko sa twina
Malamig ang panahon ikaw ang naging katabi di na bagong maglambing
Dahil ikaw ang mundo kahit minsan magulo, di papatalo
Di naman na tayo mga bata para di natin malaman ang tama sa mali
Patawarin mo ko minsan ay di na katulad ng dati na masaya
Pero ayos lang basta’t ikaw ang aking kasama sa hirap at ginhawa

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Naalala ko pa noong nakita kita
Hindi ko na malilimutan ang iyong mga mata
Mala bituin sa ganda ako’y tinamaang bigla
Kaya ako’y nahihirapan na iwanan ka
Kaya kung ano man ang gusto mong gawin
Ako’y nandito lang at balak kitang hintayin
Alam kong ayaw mo na, pasensya ka na

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Mahal pakiusap lang wag ka namang ganyan
Kahit na nasasaktan mo ko madalas hindi pa rin makayang
Talikuran ka’t kalimutan ang mga panahong na puro kasiyahan lang
Na nadarama kapag kasama ka na tila di na makikita sa iba
Kaya mahal di kita bibitawan, di kita iiwanan, ikaw ay paglalaban ko
Di kita susukuan kahit mahirapan yan ang panghawakan

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang


More on Clien