Jom, Crakky – Buti Ka Pa Masaya Ka Na


Lagi na lang nag-aabang sa iyong pagdating
Ikaw pa rin ang reyna ko at tangi kong hiling
Sa ‘yo ko lang ‘yon nadama ang hirap nang gawin
Bumalik sa dating tayo at muli kong damahin
Pagmamahal mong inalay para sa ‘kin
Kung inalagaan ko siguro’y nasa akin
‘Di ko sinasadya na ito pa ay sayangin
Kung tayo ay magkita, lalapit ka ba sa ‘kin
Kahit na ngayon tila ba ‘di mo na ako kilala
Alaala mo sa akin ay nananatiling masaya
Sa imahinasyon na lang kita nakakasama pa
Dahil alam ko na malabo kang bumitaw sa kanya
Buti ka pa ‘di mo na inaalala
Ang mga nangyari sa ‘ting dalawa
Sa ‘ting dalawa

Kung meron mang isang hiling
‘Yun ay ang makapiling ka
‘Di na ‘ko gumaling
Simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka
Kitang-kita kong masaya ka sa kanya
Mukhang ‘di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka

Buti ka pa ngayon nakangiti
Maligaya sa ‘yong desisyong talikuran ako
Habang ako ito
Hindi mabuo sapagkat alam ko na may kulang ako
Buti ka pa wala na sa ‘yo
Buti ka pa meron nang totoo
Sa ‘yo na nagmamahal kahit dapat talaga iyan ay ikaw lang at ako
Wasak na wasak, wasak na wasak
Ilang alak na rin ‘yung naubos
Sa kada gabi kong iyak
Alam kong basag pa rin naman ‘yan kahit tama ng alak maubos lahat
Puno ng saya sa ‘yong mga mata
Habang ang ‘yong kamay ay nasa kanya na
Hindi ko makayang makita kita
Makita kitang hawak na ng iba
Papa’no kita mababawi kung kahit pangalan ko ay nalimutan mo na
At ‘di mo na rin maalala kung pa’no kita surpresahin at mag-abala
Paano kaya ngayon
Alam ko na ito ay huli na
‘Di mo na rin magawa na gawing ako ay alahanin mo pa
Sana ako na lang ‘yung katabi mo ngayon
Kasabay mong matulog hanggang sa bumangon
Hindi na lang sana ‘ko nagpatangay
Makipaghiwalay pa sa ‘yo noon
Kaso huli na para pa pagsisihan kasi
Ngayon ay maligaya ka na
Oo masaya ‘yun nga lang ‘di sa ‘kin
Kung ‘di sa iba, kung ‘di sa iba

Kung meron mang isang hiling
‘Yun ay ang makapiling ka
‘Di na ‘ko gumaling
Simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka
Kitang-kita kong masaya ka sa kanya
Mukhang ‘di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka


More on Crakky