John Roa – Alam Ko


Tumingin ka sa akin
May gusto lang akong linawin
Di naman magagalit
Sagutin mo lang ako kung bakit

May luha pa rin sa ‘yong mata
Lungkot ba’y hindi ko nabura
Akala ko tayo ay masaya
Ngiti mo ay tila ba pilit
Puso mo ba’y ‘di ko nasagip
Umaasa ka pa bang may bumalik

‘Wag ng pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap
Ng iyong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako

Bakit ‘di mo maamin
Ang iyong mapaglarong damdamin

Naging akin ba talaga ang puso mo
Tila naiwanan sa kanya
Kahit sa akin ka
Hindi ko maiwasang magtaka

‘Wag ng pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap
Ng iyong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako

‘Di ka naman akin talaga
Simula pa nung simula
Kung ‘di naman tayo talaga
Pinapalaya na kita
‘Di ka naman akin talaga
Simula pa nung simula
Kung ‘di naman tayo talaga
Pinapalaya na kita

‘Wag ng pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap
Ng iyong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako

‘Wag ng pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap
Ng iyong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako

Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako

.. πŸ™‚ ..


More on John Roa