Jo.e – Lihim Na Liham


Kumusta na? alam kong nakalimot ka na

Masaya ka na ba? at mukang nahanap mo na sya

Naaalala mo pa ba sya ng laman ng mga kwento

Noon pa lang alam ko na marami nang magbabago

 

‘Di ka ba nagtataka ako’y nag-iisa

Pinangako mong tayo lang dalawa

Hiniling ko na sana sumaya ka na

Pero parang ‘di tama ano itong nadarama

‘Di na dapat ako nasasaktan

Sa kasiyahan ‘di mo naramdaman

Kailanman sa’kin

Pati ala-ala natin iniwan mo na sa nakaraan

Sa nakaraan…

Sa nakaraan…

Sa nakaraan…

Sa nakaraan tuluyan ‘di babalikan

 

Oh totoo na ba ang iyong mga ngiti

Pati na’ng mga salita na iyong sinasambit

“Mahal kita” sa kanya

Sana sa kanya mo mahanap

Ang matagal mo ng pinapangarap

Sana sa kanya may halaga

Ang iyong pagmamahal na nawala

 

‘Di ka ba nagtataka ako’y nag-iisa

Pinangako mong tayo lang dalawa

Hiniling ko na sana sumaya ka na

Pero parang ‘di tama ano itong nadarama

‘Di na dapat ako nasasaktan

Sa kasiyahan ‘di mo naramdaman

Kailanman sa’kin

Pati ala-ala natin iniwan mo na sa nakaraan

Sa nakaraan…

Sa nakaraan…

Sa nakaraan…

Sa nakaraan tuluyan ‘di babalikan

 

Kumusta na? Alam kong nakalimot ka na

Masaya ka na ba?

ahh, mukang nahanap mo na sya

 

 


More on Jo.e