Jo.e – Konsepto

Ayos lang kahit alam kong may mahal kang iba
Ayos lang kahit paminsan-minsan nagkikita
Ayos lang kahit ako ang iyong kasama
Sa tuwing ang puso mo’y nasasabik na magmahal ng iba

Una, unang beses kang makita
Puso ko’y nasasabik kang makilala
Ngunit ‘di para sa akin ang ngiti mo
Nakatuon ang iyong pansin ‘di pala para sa’tin
Pangalawang beses mo akong hinanap
Sa tuwing ang puso mo’y nag-aalinlangan
Sapat na ba na isigaw aking pangalan
Sa tuwing lagi mo lang akong kailangan

Ayos lang kahit alam kong may mahal kang iba
Ayos lang kahit paminsan-minsan nagkikita
Ayos lang kahit ako ang iyong kasama
Sa tuwing ang puso mo’y nasasabik na magmahal ng iba

Ayos lang kahit ‘di mo ko nakikita
Sa pangarap na binuo natin nang magkasama
Puro siya at siya na lang pero ako ang hanap-hanap
Sa tuwing ang puso mo’y nahihirapan magmahal ng iba

Pangatlong beses nating sinubukan
Pero ‘di na nga, ‘di naman ako mahalaga
‘Di ako basta-basta
Nahihirapan man sabihin pero dapat nang aminin

‘Di mo alam, ‘di ko alam ang tunay na pag-ibig
Sapat na ba nadaramang kilig ‘pag siya’y kapiling
Mahal mo ba kapag siya ba ang laging nasa isip
O kapag hinahanap sa tuwing gustong sabihin

Kaya ko pa kahit ang puso mo’y napagod na
Baka naman ika’y umibig
Ngunit sa konsepto lamang ng pag-ibig

More on Jo.e