Jo.e – Bihag Ng Kahapon


Ilang gabi pa ba
Iipunin mga patak ng luha
Ilang umaga pa
Uuliting magsimula

Tatawirin mga tulay
Nang ‘di makasabay
Lalanguyin ang dagat
Na ‘di na hawak ang iyong kamay

Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Nang hindi man natatanaw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon

Ilang gabi pa ba
Bibilangin ang mga tala
Ilang umaga pa
Magugunita mga alaala

Mababasa ng ulan
Nang ‘di na magkaramay
Aantayin mga ngiti mo
Sa bawat tagumpay

Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Nang hindi man natatanaw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon

Layunin natin magkatagpo
Kahit mundo natin ay magbago


More on Jo.e