Jnske – Unfair (feat. Yuri)


Wala ‘kong magawa pag nagdidesisyon ka
Nakalimutan mo atang ako’y may emosyon pa
Wala kang pakielam sa’ting sitwasyon
Na parang ako lang ang mayron paki at mayrong gana

Madalang na lang tayo na magkita
Di ko alam kung maiintindihan pa ba kita
Sa gusto mo ikaw lang ang laging may nahihita
Pano na ang kinabukasan natin kung ganyan ka

Masyado mo akong inaabuso
Dinadaan mo ako sa tusok
Pagtapos ay eto ako sa sulok
Tinatama ang mali sa usok yeah

Araw-araw sinanay mo akong ganyan
Kaya paano na lang kung gusto ko ng ayawan
‘Di na ako masaya na tumanggap ng dahilan
Sawang-sawa na’ko ‘di na kita maintindihan

Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo)

Mmm…
Ooh…
Dahil sa’yo kaya ako ganito
Dahil sa’yo kaya ako ganito

Mali ako ng pinangarap
Sana ‘di na lang kita nahanap
Kasi akala ko nung una nandyan ka pa din sa bawat pagtapak
Kaso nga lang masyado mo akong pinahamak
Sa paraan na tanging ikaw lang ang may alam
Kasalanan kong maniwala sa iyong panlilinlang

Buti hindi ako nabuwang kaya salamat na lang
Kahit ginamit mo lang naman ako para makalimot sa nakaraan mo
Lagi mong tatandaan na

Mayrong kabayaran balang araw ang lahat ng ‘to

Kasi lagi mong minamasama
Minabuti ko na lang na sa iyo kumawala (Wala)
Sa katulad mo medyo pakawala
Natanto ko ng maaga wala akong mapapala
Ngayon ‘di na ako dapat malito
Lalong lalo ‘di ako dapat makadama ng pagkabigo
Yung utak mo na medyo baliko mag-isip
Wala ng pag-asa na tumino
Kasi kakahanap ko ng halaga ko sa iyo
Sa sarili ko halos mawala na ako
Hanggang masabi ko na lang sa sarili ko
Tama nga sila ‘di ako dapat manatili sa iyo
Sa huling pagkakataon paki sagot ako ay tumatawag
Alam mo wala na ako sa iyo pag-asang mapanatag
Paulit-ulit ka lang na pinapaliwanag
Pula na lagi ang pipindutin ko pag ika’y tumawag

Araw-araw sinanay mo akong ganyan
Kaya paano na lang kung gusto ko ng ayawan
‘Di na ako masaya na tumanggap ng dahilan
Sawang-sawa na’ko ‘di na kita maintindihan

Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo, dahil sayo)
Eh kasi (Dahil sayo)

Mmm…
Ooh…
Dahil sa’yo kaya ako ganito
Ooh…


More on Jnske