JMKO – Bakit Pa Ba


Nagpapaalam ka dahil nasaktan kita
Noo’y ‘di makitang mali ako
Ngayo’y alam ko na, sayo’y nagkasala
Sana muli ako’y mapatawad pa

Araw-araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo’y ‘di narinig pagsamo mo

Chorus:
Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang tulad mo
na labis na nagmamahal
Hindi napansin na walang katulad ang
Alay na pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin

Kaytagal akong bulag sa katulad mo
Gayong wagas yaring pag-ibig mo
Iniwan pa kita, laging nag-iisa
Bakit pa nagawa ito sa ‘yo

Araw-araw kang lumuluha
Sa akin ay nagmamakaawa
Noo’y ‘di narinig pagsamo mo

Chorus:
Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang tulad mo
na labis na nagmamahal
Hindi napansin na walang katulad ang
alay na pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin

Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang tulad mo na labis
na nagmamahal
Hindi napansin na walang katulad ang
alay na pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin


More on JMKO