Jireh Lim – Baka Sakali


Ikaw na ang nagsabi hindi na tayo pa sa isa’t isa

‘Di mapahiwatig ‘di na ba ako aasa pa

Ikaw ang dahilan kung bat’ kapos sa paghinga

Hindi mo ba ito nadarama magtitiwala pa rin sa’yo

Baka sakaling magbago ang isip mo

 

Sabihin mo kung ano ang gusto

Lahat gagawin kakayanin ko

Nais kong mapagtanto ang iyong dahilan para lumayo

 

Nagbabakasaling meron pang kislap na natira

Ayokong namimilit ngunit di ko kaya kung ika’y mawala

Ano ang dahilan kung ba’t umaayaw ka na

‘Di na ba ako mahalaga

Magtitiwala pa rin sayo baka sakaling magbago ang isip mo

 

Sabihin mo kung ano ang gusto

Lahat gagawin kakayanin ko

Nais kong magpagtanto ang iyong dahilan para lumayo

 

Natatandaan mo pa ba lahat ng pangarap natin

Bakit nawawala na

Ang tanging hiling ko lang sana ay mapagbigyan ng isang pag asa

 

Sabihin mo kung ano ang gusto

Lahat gagawin kakayanin ko

Nais kong mapagtanto ang iyong dahilan para lumayo

 

Sabihin mo kung ano ang gusto

Lahat gagawin kakayanin ko

Nais kong mapagtanto ang iyong dahilan para lumayo

 

 


More on Jireh Lim