Jhobell, Joshua Mari & G-Onez – Kung Maibabalik

Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan

‘Di na sasayangin pag-ibig mong dati sa’kin

Parang sinubok ng tinadhana

At tuluyan ka sa’king nawala

‘di lubusang maiisip na darating sa atin ang ganito

At parehong nagpatalo

Nawalan na ng sigla ang dating sa’tin

Nalimutan mo na ba nakaraan na ika’y sa’kin pa

Ako’y nagising na lang at nawala ka na tinalikuran mo ako

Mga ala-ala na sa panginip na lang na ngayo’y dinaranas ko

Alam ko naman na relasyon natin ay naging magulo

Ilang beses na inayos ngunit hindi para sa’tin ‘to

Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan

‘Di na sasayangin pag-ibig mong dati sa’kin

Parang sinubok ng tinadhana

At tuluyan ka sa’king nawala

‘di lubusang maiisip na darating sa atin ang ganito

At parehong nagpatalo

Sa bawat sandali ikaw ang laging nasa isip

Sa pagpikit ko ng mata ikaw laman ng panaginip

Kahit na hanggang ngayon ay nasa puso pa kita

‘Di ka na maaalis dahil mahal pa rin kita

Anong nangyari sa relasyon natin

Ba’t ganito kinahantungan?

‘Asan ang pangako na ‘di magbabago

Ikaw pa rin at ako hanggang dulo

Pinaniwala mo lang ako sa matatamis mong salita

Kaya ang magpakatotoo para sa’kin ay ‘di mo nagawa

Pinaikot mo lang ako sayong kamay at pinaglaruan

Tapos sasabihin mo sa akin “may mahal na akong iba”

Daig ko pa ang nilumpo bakit ganito ang natamo

Nung iniwan mo ako ang buhay ko ay gumulo

Halos hindi ko matanggap ang sa’ting dalawa na nangyari

Ilang linggo ako sayo na nagbakasakali

At umasa ako sa iyo na baka pwede pa

Ang nakaraan natin ay muling maibalik na

More on G-Onez