JhayLa, Lucky, Syd (Henyong Makata) – Tawagan Mo Na Lang Ako


Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap
Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama

Nag-aantay pa rin sayong pagbabalik

Kahit sandaling oras lang ako’y nasasabik
Sa tuwing wala ka sa tabi sa gabing nanlalamig

Hinahanap ko ang yakap mo’t halik na walang mas dadaig

 

Kahit na minsan lamang tayong magkasama

Mag-aantay lamang ng tawag hindi ako magsasawa
Kahit na alam kong sa puso mo ay may nagmamay-ari
Masaya ako kahit na mali na nagdampi ang ating mga labi

 

At kung minsan hindi mo na ko nagagawa na kausapin
Makauwi ka ng ligtas yan ang lagi kong pinapanalangin
Mahalaga sakin ang tulad mong tunay kong kaligayahan
At sa araw-araw kong pamumuhay ikaw ang aking kailangan

 

Pag ika’y umaalis hindi ko matiis na hindi humingi ng kiss
Pero sana pag namiss kita pwede bang umuwi ka na agad please
Para makausap pa kita bago ka matulog kahit sandali manlang
Kasi masaya ko pag nangyari yun kahit sandali man yan

Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap
Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama

Lagi na lang nag-aabang tuwing gabi habang ika’y walang pakialam
Nasan ka ba di ko alam, ang makalimot sa mga pinangako bakit parang ganon na lang
Para sa akin ay ikaw pa rin ang syang nag-iisa
Kahit ikaw ay nagkulang na sakin di ko nagawang humanap ng iba
Ang yong pagtingin at paglalambing tila tuluyan na ngang nag-iba
Kahit magkatabi na tayong dalawa ay parang hindi na kita madama

 

Anong nangyari na ba satin di ko to lubusang akalain
Kala ko sasang-ayon na sa atin ang tadhanang nag-iba ihip ng hangin
Di ko na malaman kung meron pa bang patutunguhan
Ang lahat ng to kasi di ka naman sumasagot pag tinatawagan

Baka pwede kahit na isang gabi
Ay muli kang makasama
Umuwi ka na kasi
Pag di na kayo magkasama ay tawagan mo ko sana

Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap
Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama

Kamusta ka na asan ka, gusto ko lang malaman kung ayos ba
Makapiling, makasama’t makasiping ka, kahit na pangalawa lang ako sa kanya
Nandidito pa din ako pag nabitin ka sa halik ng sandali at yakap nya
Hanggang sa maipadama ang init at ligaya na di mo mahanap sa kanya

Wag kang magmamadali susulitin bawat oras
Sa aliwin ngayong gabi hanggang marating ang bukas
Dito ka lang sa’king tabi easy ka lang wag mapakali
Mga lungkot sayong labi asahan mo papalitan ko ng ngiti

 

At sasabay sa agos wala ng balak na matapos pa
Dahan-dahang tumatawa habang ang mata natin ay singkit at namumula
Pangako na hindi ka hahayaan na magsisi pa
Kaya sa akin ay tumawag nalang pag hindi na busy uh!

Handang punan ang pagkukulang nya, ako ang sandalan at unan sa
Oras kung sakaling iwan ka, kaya wag ng magdalawang
Isip kung sakaling pupunta ka

Pahahalagahan ang bawat minuto ng sa ganon ay bumalik ka

Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap
Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama

Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap
Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap
Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama


More on Henyong Makata