Jeremy G – Ngayong Pasko


Heto na naman
Ang tanging panahon
Tuwing naaalala ko ang nakaraan

Kay sarap ngang balikan
Subalit ‘di ko mapigilang
Lumuha sa lahat ng ating nakaraan

Ngayong Pasko’y sumapit na naman
Muling mag-iisa’t mangungulila sa
Pag-ibig mo na hanap ko

Sana’y muling mabalikan
Mga araw na tayo ay magkasama pa
Lalo na nga sa araw ng Pasko

Heto na naman
Kay lamig na ng hangin
Naaalalang yakap mo’t
Mga halik sa akin

Kay sarap ngang balikan, ang nakaraan
Kahit pa nasasaktan, muli’t muling balikan

Ngayong Pasko’y sumapit na naman
Muling mag-iisa’t mangungulila sa
Pag-ibig mo na hanap ko

Sana’y muling mabalikan
Mga araw na tayo ay magkasama pa
Lalo na nga sa araw ng Pasko

Lahat ay aking gagawin
Para lang sa’yo
Hahanapin ko ang pag-ibig mo

Ngayong Pasko’y sumapit na naman
Muling mag-iisa’t mangungulila sa
Pag-ibig mo na hanap ko

Sana’y muling mabalikan
Mga araw na tayo ay magkasama pa
Lalo na nga sa araw ng Pasko

Lalo na nga sa araw ng Pasko


More on Jeremy G