Jeremiah Tiangco – Titulo


Araw-araw magkasama
Kay saya at tila
Atin ang mundo
Oras-oras magkausap
Sa lahat naman tayo’y magkasundo

Bakit parang kulang pa?
Pero ‘di ko makita
‘Di malaman kung saan ba ito papunta

Ano na nga ba tayong dalawa?
Naiisip mo ba
Kung tayo ba o ‘di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?

Minu-minuto ‘pag wala ka
Hinahanap ka
‘Di maintindihan
Segu-segundo ay nasa isip
Gano’n palagi
Ano ang dahilan?

Bakit parang kulang pa?
Pero ‘di ko makita
‘Di malaman kung saan ba ito papunta

Ano na nga ba tayong dalawa?
Naiisip mo ba
Kung tayo ba o ‘di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?

Kung paano ang sagot sa katanungan
Ay ‘di ko alam
‘Di masukat ang laman ng nasa puso
Na nararamdaman

Oooh… woh…
Oooh… woh…
Kung tayo ba o ‘di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?

Kung tayo ba o ‘di tayo?
Damdamin ay nalilito
Kung pwede lang malaman ko
Ano nga ba tayo?


More on Jeremiah Tiangco