Jen Cee – Ngayon


Dati rati ay nag aabang ka sakin

Kahit hindi ka matanggap tanggap sa amin

Hindi ba tiniis mo yun lahat?

Para mapatunayan na sa akin ka sapat

 

Kahit hindi ka matanggap tanggap sa amin

Pilit ka pang bumabalik balik sa akin

Ngayon parang bula bigla bigla na lang nawawala

 

Hindi ko na alam anong meron pa satin

Gusto ko lang ngayon ika’y mapasaakin

Nandito lang naman ako naghihintay pa rin sayo

 

Ngayon, kung di man ‘to ang tamang panahon

Ay pipilitin kong baguhin yun

Alam kong may pag asa na pero ba’t umiiwas ka

 

Ngayon kung kailan meron pagkakataon

Bakit ba tayo pa naging ganun

Yung dapat tayo na pero bigla kang di sumang-ayon

 

Ngayon, kung di man ‘to ang tamang panahon

Ay pipilitin kong baguhin yun

Alam kong may pag asa na pero ba’t umiiwas ka

 

Ngayon, bakit ba tayo pa naging ganun

Kung kailan merong pagkakataon

Yung dapat tayo na pero bigla kang di sumang ayon

 

Huli na ba lahat lahat para sa atin

Hindi na ba mababalik yung dapat sakin

Na pangako na inalay mo noon na unti unti mo ring

Binibitawan mo ngayon

 

Kahit hindi ka tinanggap noon sa amin

Pilit pa ring pinaglaban yung dapat satin

Ngayon parang bula bigla bigla na lang nawawala

 

Hindi ko na alam anong meron pa satin

Gusto ko lang ngayon ika’y mapasaakin

Nandito lang naman ako naghihintay pa rin sayo

 

Ngayon, kung di man ‘to ang tamang panahon

Ay pipilitin kong baguhin yun

Alam kong may pag asa na pero ba’t umiiwas ka

 

Ngayon, kung kailan merong pagkakataon

Bakit ba tayo pa naging ganon

Yung dapat tayo na pero bigla kang di sumang ayon

 

Ngayon, dapat ko na lang ba to ibaon

Sa limot at lungkot ng panahon

Ika’y nagbago na at di na pwedeng makasama pa

 

Ngayon, tapos na ang ating mga taon

Sa iba ko na lang din itutuon

Ang oras na ginugol ko sa taong pinaglaban ko


More on Jen Cee