Jen Cee – Kung Pipiliin Mo Na Sya


Kung mas karapat dapat na piliin mo na sya

Ay di na ako maghahangad pa na habulin ka

Alam ko naman na mas okay kana dyan sa piling nya

Kaysa naman ako’y patuloy na lokohin pa

 

Biglang naalala ko yung dating sinasabi mo

Na ika’y nalilito kahit ako ay iyong gusto

Hindi mo man lang na ipaliwanag ng husto

Na yung kaibigan mo pala ang yung gustong gusto

 

Kung pipiliin mo na sya

Hindi na ako haharang pa

Kung mas lumalamang na sya

Di ‘bat wala ng laban pa

 

Hayaan mong maiwan na

Hayaan mong masaktan na

Hayaan mong nag iisa

 

Kalimutan ang isa’t isa na parang ‘di nakakilala

Wag ka nang mamomroblema

Dahil para di ko kaya

Kung ako kaawaan mo pa

 

Kung mas nalaman ko agad ako’y iiwas na

Hinding hindi na ako magtatyagang ibigin ka

Yung mga ganitong bagay di na nililihim pa

Dahil mas komplikado ng kung nasaktan ka

 

Kung pipiliin mo na sya

Hindi na ako haharang pa

Kung mas lumalamang na sya

Di ba’t wala ng laban pa

 

Hayaan mong maiwan na

Hayaan mong masaktan na

Hayaan mong nag iisa

 

Kung pipiliin mo na sya

Hindi na ako haharang pa

Kung mas lumalamang na sya

Di ba’t wala ng laban pa

 

Hayaan mong maiwan na

Hayaan mong masaktan na

Hayaan mong nag iisa oh woah


More on Jen Cee