Jen Cee – Alalahanin Mo


Ano pa bang  meron tayo at di makalimot sayo

Unti unti nating iniwan hindi na malaman kung bakit ganito

Pinagmamasdan pa kita kung mayrong pag asa pa ba

Mabalikan ang naiwang tampuhan nating dati kinaya solusyonan

 

Hindi alam kung saan pa kita dapat tignan

Tinangay na ang gabay ng tadhana na sating dapat binigay

 

Alalahanin mo mahal mga pinangako ko

Unti unti ng nabitawan at di na lumaban ng dahil sa iyo

Anong kasalanan ko at bakit iniwan mo

Mabuti ng tapat pero di pala sapat sayo

 

Mahal pa kita kahit ayaw mo na

Alam kong ako ay nagkulang

Ngunit mayron naman akong malalim na dahilan

Nangarap ako at dapat sayo

Na akala ko’y magiging daan patungo sa ating dapat na puntahan

 

Hindi alam kung saan pa kita dapat tignan

Tinangay na ang gabay ng tadhana na sating dapat binigay

 

Alalahanin mo mga pinangako ko

Unti unti lang nabitawan at di na lumaban ng dahil sa iyo

Anong kasalanan ko  at bakit iniwan mo

Mabuti ng tapat pero di pala sapat sayo

 

Alalahanin mo mga sinakripisyo ko na inalay sayo

Para lamang sayo pero bakit ganito?

Sana lang naiayos ko kung parang may kulang pa ako

Ginawa ko ang lahat pero di pala sapat sayo


More on Jen Cee