Jem Macatuno – LDR

Parang imposible kung isipin
Na ika’y makapiling
Tila isang panaginip ang lahat
Sa tuwing sinusukat
Ang distansiya, nating dalawa

Pre-chorus:
Ngunit kahit gaano man kalayo
Hindi ako susuko
Davao man to bataan, bicol to japan
Pag-ibig natin ay ‘di hinding hindi na mapipigilan

Malayo ka man ikaw ay pupuntahan hindi ka susukuan
Hanggang sa aking mapatunayan
Na mahal, na mahal, mahal na mahal kita
Walang distansiya ang sisira

Alam kong malayo ang mga puso
Teka bakit lumalabo
Parang humihirap lalo ang sitwasyon
Diba dati’y distansiya, ngayon ano pa nga ba
Hindi sang ayon sa’tin ang panahon

Pre-chorus:
Ngunit kahit gaano man kalayo
Hindi ako susuko
Davao man to bataan, bicol to japan
Pag-ibig natin ay ‘di hinding hindi na mapipigilan

Malayo ka man ikaw ay pupuntahan hindi ka susukuan
Hanggang sa aking mapatunayan
Na mahal, na mahal, mahal na mahal kita
Walang distansiya ang sisira sa’tin

More on Jem Macatuno