Je – Gusto Kong Dalaga


Ako ay may nakita tipo kong dalaga

Teka ‘di ko alam kung sya ba talaga’y dalaga pa

Kasi baka ‘di na matanong ko nga sya

Kung wala ay matic na siguradong akin ka

 

Napa ibig na sayo bawat tingin ay uulitin

‘Di nakakasawa parang paborito kong giniling

Sarap kainin ng ice cream pag kasama ka

Matanong ko nga kong pwede ka ba?

 

Kinakabahan baka madeny

Nag iisip ng palusot kapag na sumablay

Uhm

Uhm

Hi

 

Hi miss ‘kaw ba ay dalaga?

Gusto kong malaman

Kasi kung hindi na ‘di ko muna pipilitin

Na ika’y mapasa akin maghihintay nalang ako

Kapag pwede kana o naghahanap ka

 

Sayo nalang ‘tong puso ko

Ikaw lang ang gusto ko

Kahit saan hanggang kailan

Mga mata ko’y sarado na sayo

 

Ikaw na ba ang hinahanap? Dalagang Filipina

Matanong ko nga kung san ka na papapunta

Pasensya na’t nauutal

Wag kang matakot hindi ako kupal

Na basta kang iiwan

 

Gusto ko lang malaman ang iyong pangalan

Saka yung date of birth para maregaluhan

At yung address para maharanahan

Kaso bago ang lahat single ka ba?

 

Nagbabakasakali lang naman at baka meron ng nilalaman

Ang puso mo , ang swerte nya

Ayokong mapektusan ng boyfriend mo kung meron man

 

Hi miss ‘kaw ba ay dalaga?

Gusto kong malaman

Kasi kung hindi na ‘di ko muna pipilitin

Na ika’y mapasa akin maghihintay nalang ako

Kapag pwede kana o naghahanap ka

 

Sayo nalang ‘tong puso ko

Ikaw lang ang gusto ko

Kahit saan hanggang kailan

Mga mata ko’y sarado na sayo

 

Nagbabakasakali lang naman at baka meron ng nilalaman

Ang puso mo , ang swerte nya kung meron man

Pero parang wala

Parang wala

Sana wala

Sana wala

 

Hi miss ‘kaw ba ay dalaga?

Gusto kong malaman

Kasi kung hindi na ‘di ko muna pipilitin

Na ika’y mapasa akin maghihintay nalang ako

Kapag pwede kana o naghahanap ka

 

Sayo nalang ‘tong puso ko

Ikaw lang ang gusto ko

Kahit saan hanggang kailan

Mga mata ko’y sarado na sayo

 

 

 

 

 

 


More on Je