Janine Teñoso – Umibig Muli


Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na sa ’king tabi
‘Di ko maiwasang manlamig

Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon, may ganang umibig
Ngayon hindi ka na sa ‘kin nakatingin

Inisiip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan

Ohh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba
Ngunit kahit ‘di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli

Bakit kaya
Lahat ng ito’y nangyayari
‘Di mapigilang humikbi
Gaano katagal magtitiis (Sagot sa bakit, kubli)

Tumingala
Kahit gulong-gulo ang isip
‘Di maiwasang pumikit
At isuko ang sakit sa langit

Ohh hoh
Iniisip na lang
Na Lahat ng bakit ay may kasagutan

Ohh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba
Ngunit kahit ‘di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli, ooh hoo…

Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan


More on Janine Teñoso