Janine Teñoso & Marione – Kahit Anong Mangyari

janine tenoso lyrics

Heto na naman
Malayo ang tingin
Nangangarap na ika’y makatabi
Parang kahapon lang
Nung nangako kang hindi ka aalis

Pipikit na lang
Baka sakaling bumalik
Naaalala pa
Ang ‘yong huling halik
Parang kahapon lang
Nung nangako kang hindi ka bibitiw

Umasa sa sinabi mo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari
Ika’y akin at ako’y sa ‘yo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari

Ngayo’y nag-iisa
Bumubulong sa mga bituin
Nagbabakasakaling
Mga bakit ay dinggin
Tila ang langit ay
Walang maisagot sa akin

Umasa sa sinabi mo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari
Ika’y akin at ako’y sa ‘yo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari

Umasa sa sinabi mo
Ika’y akin at ako’y sa ‘yo

Ngunit ngayon
Wala ka na
At kailangan tanggapin
Ang puso mo’y ‘di na akin
O bakit ba
Ba’t umasa pa

Ba’t umasa pa
Sa sinabi mo
Kahit anong mangyari
Ngayon ika’y kanya at siya’y sa ‘yo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari
Umasa sa sinabi mo
Kahit anong mangyari
Kahit anong mangyari


More on Janine Teñoso