Jamie Rivera – Ber Months Na Naman


Ber Months na naman
Panahon ng pagdiriwang
Parol ay ilabas at isabit na’ng mga medyas
Kahit wala ng regalo sa dakilang araw na ito
Iisa ang nais ko sa araw ng pasko
Ang laging magkasalo tayo

Sa araw ng pasko ay papasyal ko kayo
Sa bahay ng ninang at hihingi ng aginaldo
Sa simbaha’y magdarasal, magpasalamat sa maykapal
Sa araw na ito sinilang sa mundo
Si Jesus na hari nating totoo

Ber Months na naman
Alitan ay kalimutan
Kung may’ron mang nagawa, pasensya na ‘di sinasadya
Ihanda na’ng camera at tawagin na si lola
Habang nagkakantahan
Regalo mo sa aki’y bubuksan

Sa araw ng pasko ay papasyal ko kayo
Sa bahay ng ninang at hihingi ng aginaldo
Sa simbaha’y magdarasal, magpasalamat sa Maykapal
Sa araw na ito sinilang sa mundo
Si Jesus na hari nating totoo
(Repeat)

Si Jesus na hari nating totoo


More on Jamie Rivera