Jaber, Yosso & Yayoi – Pakiusap


Sino paba ang hinihintay?

Pare baka pwedeng bilisan?

Ilayo nyo ako sa bahay sasama ‘ko kahit san!

Ihanda nyo na ang tagay meron pa ba tayo dyan?

Pangpulutan pang tanggal paet ng nararamdaman

 

Peram muna ng oras nyo

Pakitiis ang paulit ulit na kwento ko

Kailangan ko kayo sa mga oras na gan’to

Upang kahit saglit malimot aking mga natamo

 

Hindi ko rin alam ang bilis ng pangyayare

Ako’y nagmahal lang masisisi nyo ba pare?

Sya’y nawala na lang at hindi manlang nagsabe

Nakita ko na lang na bumalik na sya sa dati

Grabe!

 

Parang bote na pinaikot nya ako

O ako ba ang mali kase binigyan kong motibo

Lahat ng pinakita nya ay wala lang pala ‘to

Kaya pare pakiusap lasingin nyo na ako!

 

Paikutin na yan paabot naman

Gusto ko makalimot sa nararamdaman

Pakibilisan nyo oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ‘ko oh! oh! oh! oh!

Alam nyo naman ngayon lang nasaktan

Pakiusap kayo lang ang nasasandalan

Dahil minsan lang ‘to oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ko oh!

Pakiusap lasingin nyo ako

 

Eto na naman ako nangangatok sa inyong bahay

Nangungulit na naman at nagyayaya ng tagay

Sabi mo magdadrama lang ako

Kunsabagay tropa nga kita tol

Di kana nasanay !

 

Sagot ko na pulutan, sa alak ka mag ambag!

Sisiguraduhin kong ang inuman magdamag

Walang titigil hangga’t walang natutulog sa lapag

Basta awatin nyo na lang ako sa trip ko magbasag!

Kasi sinaktan na naman nya ‘ko at sya’ng ginago

Paulit ulit na lang sya hindi na sya nagbago

 

Di ko maiwan mahal ko masisisi nyo ba’ ko?

Libong beses na nga ako sa inyo nanghingin ng payo

Wala eh sobrang tanga ko nakakapikon

Babalik! sasaktan ulit ako! mag iinum

Buti nga nandyan kayo mga kasanggang malupit

Pero paggising ko bukas ang puso’y masakit ulit

 

Paikutin na yan paabot naman

Gusto kong makalimot sa nararamdaman

Pakibilisan nyo oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ‘ko oh! oh! oh! oh!

Alam nyo naman ngayon lang nasaktan

Pakiusap kayo lang ang nasasandalan

Dahil minsan lang ‘to oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ko oh!

Pakiusap lasingin nyo ako

 

Nakanino na yung tagay akin na ba yan?

Paabot ng yosi para di ko na maramdaman

Yung sakit na ininwan nya na walang dahilan

Dahil bumalik na pala sya sa kanyang nakaraan

Hindi ko na kailangan ng kahit anong payo

Kaylangan ko lang ng balikat na sasandalan ko

Pasensya na kayo kung medyo makulit na’ko

Di pa nagtanda at paulit ulit na’ko

Pero mga pare di ba alam nyo naman

Minsan lang ako magmahal ito pa ang kinalabasan

Ang hirap kasi lusutan kung di naman nasimulan

Nagmahal ako ng taong kailbigan lang ako tignan

Sino ba naman ang di mahuhulog sa kanya?

Kung pa’no nya ako itrato’t kung pa’no sya mag alala

Kaya ngayon mag iinum tayo  hanggang mag umaga

Walang uuwi walang susuko kahit masuka!

 

Paikutin na yan paabot naman

Gusto kong makalimot sa nararamdaman

Pakibilisan nyo oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ‘ko oh! oh! oh! oh!

Alam nyo naman ngayon lang nasaktan

Pakiusap kayo lang ang nasasandalan

Dahil minsan lang ‘to oh! oh! oh! oh!

Lasingin nyo ko oh!

Pakiusap lasingin nyo ako

 

 

 

 


More on Jaber